^

PSN Showbiz

Piolo aminadong may malaking utang kay Juday

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Si Piolo Pascual pala ang na-blind item na big star na gagawa ng pelikula at makikisosyo sa Regal Films. Na-post sa Instagram (IG) ang meeting ni Piolo with Roselle Monteverde, Manny Valera, Erickson Raymundo at mga director na sina Dondon Santos at Joyce Bernal.

Ang sabi, kasosyo sa movie ang Spring Films na isa si Piolo sa may-ari together with Erickson and Direk Joyce at ang Star Cinema.

Marami ang nagre-request na si Jennylyn Mercado ang kuning lea­ding lady ni Piolo, pero malabo ito kung this year gagawin ang movie dahil sa schedule ng aktres.

Nabanggit ni Piolo sa presscon ng Money for Life campaign ng Sun Life Financial na sinubukan niyang talikuran ang showbiz, pero na-realize niya na ito ang mundo niya, ito ang buhay niya at ito ang trabaho niya.

Kaya heto, back to work na uli ang aktor sa gagawin at iku-co-produce niyang pelikula.

Sa nasabing presscon ng Money for Life campaign ng Sun Life Financial, inu­lit ni Piolo ang pasasalamat kay Judy Ann Santos sa tulong nito sa kanyang showbiz career. Natuwa siya nang sabihing makakasama niya ang aktres bilang ambassador ng Sun Life dahil hindi man pelikula, makakatrabaho uli niya ito. “Ang laki ng utang na loob ko sa kanya,” sabi ni Piolo.

Julie Anne like na si Benjamin!

Magsu-shoot bukas ng music video ng carrier single ni­yang Na­ri­rinig Mo Ba si Julie Anne San Jose. Abot pa kaya sa GMA Records ang request ng fans na si Benjamin Alves ang ipareha sa singer-actress sa music video?

Ang Naririnig Mo Ba ay kasama sa Chasing The Light album ni Julie Anne na sarili niyang composition kasama ang kantang Not A Game. 

Hindi raw niya istorya ang Naririnig Mo Ba kundi story ng mga kaibigan niyang nagsusumbong ng kanilang problema sa kanya, kaya naisip niyang gawan ng kanta.

Sa July 31 ang TV launching ng album sa Sunday PinaSaya, nauna na ang launching last Sunday sa SM Fairview at may album tour na rin siya. This Sunday, nasa Pavilion Mall sa Biñan, Laguna si Julie Anne at sa July 29, sa Pagcor Pavilion sa UN A­venue, Manila. Sa July 30, sa Pagcor Angeles naman siya.

Obvious sa mga ngiti na special si Benjamin kay Julie Anne at nag-“I like him” statement na nga ito. Sagot niya ito sa “What you see is what you get” statement ng aktor nang aming makausap.

Naintriga lang kami sa nabanggit ni Julie Anne na “we share stuff”. Ano kayang stuff ang sine-share nila ni Benjamin.

Vaness epektib ang kamalditahan sa Encantadia

Isa sa maraming kontrabida ng Encantadia si Vaness del Moral na gumaganap sa role ni Gurna, ang brainwasher yaya ni Pirena. Ang husay ni Vaness bilang kontrabida at pilot episode pa lang, galit na ang Encantadiks sa kanya.

Hindi nag-audition si Vaness sa role ni Gurna, sinabi na lang sa kanya na siya si Gurna at natuwa siya dahil may kasunod agad siyang show after Because Of You. 

Anyway, may recap ang pilot week ng Encantadia this Sunday after ng I-Bilib na tinawag nilang Encantadia: MastelVl (Ang Pagbabalik).

May mall tour din ang ibang cast ng Encantadia sa SM City Rosario, Cavite at darating sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Rocco Nacino at iba pa.

Billy at Coleen sa helicopter nag-celebrate ng second anniversary

Magaling na pala si Billy Crawford at nakalabas na ng hospital. Wala ito sa presscon ng That Thing Called Tanga Na dahil nagkasakit siya.

Pero nang i-check namin kahapon ang Instagram (IG) ni Coleen Garcia, magkasama na silang nag-celebrate ng kanilang anniversary sakay ng helicopter.

Kakaiba ang celebration nina Billy at Coleen sa second anniversary nila dahil sakay ng helicopter, inikot nila ang Metro Manila. Treat ni Billy ‘yun sa girlfriend.

Sayang na wala sa presscon si Billy, iba pa rin kung siya ang suma­got sa mga tanong ng press sa karakter niya sa Regal Films movie bilang si Baldo na isang security guard, pero bading at may ka-live in. ‘Katuwa si Billy sa trailer at isa ang mga eksena niya sa nagpatawa sa mga nakapanood nito.

Sa August 10, ang showing ng movie sa direksyon ni Joel Lamangan na masayang ginawa ang rom-com gay movie at maidirehe ang magagaling niyang cast.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with