^

PSN Showbiz

Megan paborito pa rin ng Miss World

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit tapos na ang reign ni Megan Young bilang Miss World noong 2013, paborito pa rin siyang kunin ng Miss World Organization sa United Kingdom na pinamumunuan ng Chairman-CEO na si Julia Morley bilang host ng iba’t ibang events ng Miss World Organization tulad na lamang ng katatapos na Mr. World pageant, isang internatio­nal pageant na laan naman para sa mga kalalakihan na ginanap sa Southport, UK last Tuesday (July 19) evening.

Hindi pinalad ang kinatawan ng Pilipinas sa Mr. World (International) na si Sam Adjani na hindi man lamang pumasok sa semi-finals. Ang korona ay nakuha ng Mr. India na si Rohit Khandelwal, isang popular TV personality. First runner-up naman si Fernando Alvarez ng Puerto Rico habang 2nd runner-up naman si Aldo Esparza ng Mexico.

Si Megan Young ang kauna-una­hang Filipina na nakakuha ng Miss World crown in 2013.

Mother Lily pinasok na rin ang pagli-litson

Kung naiba-iba lamang si Mother Lily Monteverde sa ibang babaeng negosyante ay tumigil na ito sa pag-iisip ng iba pang negosyo lalupa’t unti-unti na niyang tinu-turnover sa isa sa mga anak niyang si Roselle Monterve ang iba niyang mga negosyo kasama na rito ang pagpu-produce ng pelikula under Regal Films.

Sa kabila ng napakaraming negosyo ng Regal matriarch, nais pa rin nitong pasukin ang isang kakaibang negosyo, ang Mother’s Lechon na gusto niyang i-launch kasabay ng kanyang kaarawan on August 19.

“Lahat ng mga special functions ng Regal (Films) ay matitikman na ang Mother’s Lechon,” pagmamalaki pa ni Mother Lily na sandaling naki­pagtsikahan sa table namin during the presscon ng Regal Films upcoming movie, That Thing Called Tanga Na na pinagbibidahan nina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano, Martin Escudero at ang singer na si Angeline Quinto mula sa direk­siyon ng award-winning director na si Joel Lama­ngan.

Ayon kay Mother Lily, special umano ang Mother’s Lechon at sumailalim pa umano sa special training ang kanyang anak na si Roselle Monteverde pati mga staff kay Chef Reggie Aspiras.

Bea hindi nagpapa-pressure sa bagong pelikula nila ni Gerald

Ang perennial screen partners na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang may hawak ng biggest grossing local film of all time para sa pelikulang A Second Chance ng kumita ng P556-M including it’s global release at ipina­labas noong isang taon.

May bagong movie ngayon si Bea, ang How To Be Yours with her ex-boyfriend na si Ge­rald Anderson na idinirek ni Dan Villegas for Star Cinema.

Ayaw magpa-pressure pareho nina Bea at Ge­rald na kaya nilang pantayan o lagpasan ang kinita ng A Second Chance. Ang mahalaga umano ay tiyak na mag-i-enjoy ang mga manonood sa kanilang movie na matutunghayan na sa mga sinehan simula sa July 27.

Hindi naman inisip noon nina Bea at John Lloyd na magiging mega hit ang kanilang huling tambalan sa pelikula.

Ayon kay Bea, kahit kailan ay hindi niya ini­sip ang pagiging blockbuster ng mga pelikulang kan­yang ginagawa. Ang importante sa kanya ay ginawa niya ang kanyang best para sa bawat project na ipinagkakatiwala sa kanya at mapasaya ang mga manonood.

Ella gusto pang palakihin ang dance studio

Nagbunga rin ang pagiging Dance Princess ng young star na si Ella Cruz dahil bukod sa may strong following siya sa kanyang sariling YouTube channel, mayroon na rin siyang sariling dance studio kung saan maraming kabataan ang naka-enroll.

Kapag nagtuluy-tuloy ang pagiging successful ng kanyang itinayong dance studio, gusto rin niyang magtayo sa iba’t ibang lugar para mas mara­ming mga kabataan ang malibang sa pagsasayaw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with