^

PSN Showbiz

Parang ‘di kapani-paniwala kontrobersyal na aktres hindi na maangas magsalita!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Teka, teka, teka lang muna. Nabibingi lang kaya ang aming source sa kanyang nabalitaan? Na­nanaginip lang kaya siya? Pero hindi, gi­sing na gising ang aming impormante, hindi siya binaba­ngungot lang.

Parang hindi makapaniwala ang aming source sa kanyang narinig mula sa isang taong may kredibilidad na nagbago na ang tabas ng dila ng isang kontrobersiyal na aktres na nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ay walang sinasanto.

Ang kuwento ng source, “Para ngang ayokong maniwala nu’ng una sa sinasabi ng source ko na nagbago na raw si ____(pangalan ng palaban at yumabang na aktres). Kumokontra ako, baka naman hindi siya ang kausap ng kaibigan ko, baka naman ibang tao ‘yun!

“Pero ang source ko mismo, e, na-shock din, windang na windang siya, anyare? Napaka-cool na raw ng girl, walang galit sa puso niya, tanggap na raw niya ang nangyari sa career niya, pinitik lang daw siya dahil sumobra ang pagmamataas niya!

“Wala na raw siyang nararamdamang galit sa taong nakasama niya nang matagal na kung isumpa-sumpa niya nu’n, e, parang wala nang bukas. Kung magkikita raw sila, e, yayakapin lang niya ang taong ‘yun dahil nakalimutan na niya ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa.

“Ganu’n din daw ang nararamdaman niya sa lahat ng mga taong nakabangga niya nu’n, wala na raw siyang napi-feel na galit, burado na raw sa puso niya ang lahat-lahat ng hindi magandang nangyari sa kanya,” gulat na gulat na kuwento ng aming source.

Nakakagulat, pero hindi imposible, baka nga nagising na sa katotohanan ang dating mayabang na babaeng personalidad na walang mangyayari sa buhay niya kung puro galit, poot at paghihiganti ang paiiralin niya.

“Promise, ibang-iba na siya ngayon, maaliwalas na ang itsura niya, cool na cool na siya, wala na siyang kaangas-angas magsalita. Parang puro roses na ang nakapaligid ngayon sa buhay niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Musical ng libro ni rita para rin sa kanyang anak na nawala

Isang hapon ay nagulat kami, may pumasok na maganda at simpleng babae sa aming gallery, para siyang estudyante sa high school na pagkatapos ng klase ay hinubad agad ang kanyang uniporme at nagpalit ng damit para makapamasyal.

Ikatlong titig namin sa kanya nang makilala namin ang bagets na bagets ang itsurang maliit na aktres. Wala siyang make-up, isang simpleng bulaklaking bestida ang kanyang suot, napakaganda ni Rita Avila.

Palibhasa’y Novo Ecijano rin ang kanyang mister na si Direk Erick Reyes ay bumili siya ng mabawang na longganisa sa Meat Ferminute, ang bago naming negosyo, na matatagpuan sa tabing-tabi lang ng aming art gallery sa Scout Gandia.

Nalaman namin mula kay Rita na ang kanyang librong Ang Hindi Nakikitang Pakpak ay magi­ging stage musicale na. Ang mga bumibida sa libro ay sina Popoy, Mimay at Pony, mga pangalan ng kanyang mga manyika, ang kaibigan nila ni Direk Erick na si Peter Serrano ang mamamahala sa kinasasabikang proyekto ni Rita.

Sa mga inilabas na serye ng libro ni Rita ay magkakaiba ang katangian nina Popoy, Mimay at Pony, pero meron silang pagkakapareho, ang pagkakaroon ng busilak na puso sa kanilang kapwa.

At totoo ang pahayag ni Rita Avila, ang bawat isa sa atin ay may kakambal na anghel na walang pakpak, may gumagabay sa lahat ng ating mga ginagawa sa araw-araw.

Ang kanyang mga libro, pati ang malapit nang mapanood na musicale play, ay ihinahandog ni Rita Avila sa pumanaw nilang anak ni Direk Erick Reyes nu’ng 2006 na si Elija Jesu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with