^

PSN Showbiz

Coco na-star struck kay Bato

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Noong Huwebes ay bumisita si Coco Martin sa opisina ng Philippine National Police Director General na si Ronald Dela Rosa o mas kilala ngayon sa tawag na ‘Bato’. Labis na nagpapasalamat ang bagong PNP Chief sa aktor sa pagbibigay nito ng magandang imahe sa mga pulis sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. “Star struck po ako eh. Hindi ako makapagsalita pero nakakatuwa, napakabait niya, napakasimple. Nagpapasalamat din po ako sa suporta na binibigay ng PNP, sa tulong na ipinagkakaloob nila sa amin,” nakangiting pahayag ni Coco.

Lalong namamayagpag sa ratings ngayon ang nasabing serye kaya ito rin ang nagsisilbing inspirasyon kay Coco at mga kasamahan upang pagbutihin pa lalo ang kanilang trabaho. “Napakasarap po sa pakiramdam namin dahil pinaghihirapan po namin ang aming trabaho at hangad po namin na makatulong kami sa ating gobyerno at sa ating pamayanan,” pagbabahagi ng aktor.

Kaabang-abang ang bawat eksena sa nasabing programa at marami ang nakapapansin na para na raw itong pelikula ngayon. “Nawa’y sa mga simpleng pamamaraan sa munti naming pagkukwento, sa bawat istorya na ginagawa namin, sana makatulong sa inyo,” pagtatapos ni Coco.

Posibleng magkaroon din ng appearance sa FPJ’s Ang Probinsyano si Bato sa mga susunod na araw.

Juday hinihingan uli ng baby ni Lucho!

Katatapos pa lamang gumawa ni Judy Ann Santos ng independent film na Kusina matapos makapagpahinga ng ilang buwan sa trabaho. Kalahok ang nasabing pelikula sa Cinemalaya Film Festival 2016.

Aminado si Juday na muli siyang nakaramdam ng kaba sa trabaho at pakiramdam niya ay nagsisimula siyang muli. “Siguro may pressure ng slight. Kasi ang tagal ko nawala and then medyo heavy drama rin ang pelikula na ito. Ayaw ko siya masyado isipin kasi nagpa-palpitate ako kapag iniisip ko,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Anim na buwan na ngayon ang bunsong anak ng aktres at Ryan Agoncillo na si Luna. Ayon kay Juday ay sobrang mapagmahal na kapatid nina Yohan at Lucho sa kanilang bunso. Namamangha raw ang aktres kay Luna dahil ibang-iba ito kay Lucho noong maliit pa ito. “Mas malikot kay Lucho. Parang for her age, parang nagulat kami na napaka-advance niya. Pero very adorable siya, very charming. Ang sarap hindi umalis ng bahay. Si Lucho nga humihiling na ng kapatid na lalaki. Sabi ko sa kanya, ‘Anak, under renovation pa si mommy, hindi pa pwede,” natatawang kwento ni Juday.

Kapansin-pansin ngayon na bumabalik na ang dating katawan ng aktres pagkatapos nitong manganak. Puspusan ang ginagawang pagwo-workout ni Juday kaya nabawasan na ang kanyang timbang. “Bumalik ako ng swimming. Ngayon nagwo-walking ako in the morning with Luna, tapos nag-360 din ako. Eventually mag-twice a day ako na workout,” pagbabahagi niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with