^

PSN Showbiz

Akting ni Angeline napuri ni Direk Joel!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy si Mother Lily Monteverde dahil nagustuhan ng entertainment press ang official trailer ng That Thing Called Tanga Na.

Original ang kuwento ng That Thing Called Tanga Na at hindi ito spoof ng critically-acclaimed movie na That Thing Called Tadhana nina Angelica Panganiban at JM de Guzman.

At dahil naaliw ang press sa trailer pa lang ng pelikula, convinced si Mother Lily na tatangkilikin ng moviegoers ang anniversary offering ng Regal Entertainment, Inc.

Si Joel Lamangan ang direktor ng That Thing Called Tanga Na.

Maraming beses nang napatunayan ni Joel ang husay niya sa pamamahala ng mga comedy movie.

Second movie project ni Angeline Quinto ang That Thing Called Tanga Na.

Flattered na flattered si Angeline sa mga papuri ni Joel na isa siyang mahusay na aktres at malaki pa ang potensyal na mag-improve ang talent niya sa pag-arte.

Co-stars ni Angeline sa That Thing Called Tanga Na ang kapwa niya mahuhusay na aktor, sina Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano at Martin Escudero.

Piolo may movie sa Regal

Inihahanda na ni Mother Lily at ng kanyang anak na si Roselle ang bagong project ng Regal, ang pelikula na kukunan sa New Zealand at pagbibidahan ni Piolo Pascual.

Nakipag-meeting na si Piolo kina Roselle, Manny Valera at Dondon Santos na napili para maging direktor ng pelikula.

Wish ko lang, mag-imbita si Mother ng mga isasama niya sa New Zealand dahil isa ito sa mga pinakamagandang bansa, ayon kina Amy Austria at Sandy Andolong.

Madalas na bumibiyahe sina Amy at Sandy sa New Zealand dahil dito na naninirahan ang kanilang mga panganay na anak. Residente ng New Zealand ang napangasawa ng anak ni Amy at working na sa New Zealand si Rafael, ang panganay nina Sandy at Christopher de Leon.

Pasimplehan ng damit sa SONA, inaabangan na!

Nakakundisyon na ang isip ko na hindi ako lalabas ng bahay sa Lunes dahil aabangan ko ang pinakahihintay na State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte.

Bukod sa sigurado ako na matrapik sa Commonwealth Avenue sa Lunes kaya nakakatamad lumabas ng bahay, excited ako sa mga sasabihin ni Papa Rody sa kanyang kauna-unahang SONA.

Knowing Papa Rody, may mga bagong pasabog siya sa SONA, tulad nang ginawa niya sa 69th anniversary ng Philippine Air Force noong July 5, 2016, ang araw na pinangalanan niya ang mga general na may kaugnayan sa illegal drugs.

Siyempre, tututukan ko ang mga damit na isusuot ng mga invited guest sa SONA dahil ipinagbawal na nga ang mga bonggang gown bilang hindi naman awards night ang dadaluhan ng mga bisita.

Sure na sure na star-studded ang SONA dahil sa pagdalo ng mga showbiz personality na naluklok sa puwesto, sina House Representatives Vilma Santos-Recto, Lucy Torres, Yul Servo, Alfred Vargas at si Manila City Mayor Joseph Estrada na invited dahil naging pangulo siya ng bansa.

Expected ang pag-apir ni Heart Evangelista sa SONA dahil senador pa rin ang asawa niya, si Senator Francis Escudero. Tiyak na sasamahan ni Richard Gomez na mayor na ngayon ng Ormoc City, ang kanyang misis na si Lucy.

Magkakaalaman sa Lunes kung talagang sinunod ng mga bisita ang recommendation na iwasan na ang magsuot ng mga bonggang gown sa SONA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with