PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Kitkat mataas ang cholesterol kahit payatot

KitKat 

Ang payat-payat ng comedienne na si KitKat pero mataas ang cholesterol level niya dahil malakas siyang kumain ng kanin.

Sinabi ni KitKat na kahit walang ulam, nabubusog siya basta may kanin sa harap niya.

Regular na napapanood si KitKat sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang Yaya In, ang yaya na kaladkarin dahil sumasama kahit saan yayain.

Starring din si KitKat sa musical play na Dirty Old Musical at excited siya dahil mahahasa uli ang talent niya sa pagkanta.

Co-stars ni KitKat sa DOM sina Ricky Davao, Robert Sena, Michael Williams, Nonie Buencamino at John Arcilla. Sa tunay na buhay, walang bahid ng pagiging dirty old man ang limang bida ng Dirty Old Musical na hinuhulaan na magiging successful tulad ng Rak of Aegis.

Sina Robert Sena at ang misis nito na si Isay Alvarez ang mga producer ng DOM.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isay Alvarez Kapuso na rin

Kapuso na rin si Isay dahil siya ang gaganap na nanay ni Lovi Poe sa SomeoneTo Watch Over Me, ang coming soon teleserye ng GMA 7.

Nagulat si Isay nang malaman nito na Someone To Watch Over Me ang title ng shelved teleserye ni Judy Ann Santos. Asking siya kung tungkol din sa Alzheimers disease ang kuwento  ng project ng ABS-CBN na hindi natuloy.

Yassi walang kamalay-malay na dadalhin sa Vietnam!

Kasama ang ibang mga Pinoy Big Brother celebrity housemates, lumipad sa Vietnam si Yassi Pressman noong Martes.

Actually, walang kamalay-malay si Yassi na dadalhin siya sa Vietnam dahil naririto ang bahay na titirhan nila ng ibang celebrity housemates.

Finalist si Yassi sa PhilPop 2016 na magaganap sa July 23 sa Kia Theater. Hindi pa sinasabi ng Viva Artists Agency kung sasali pa rin si Yassi o pinalitan na ito dahil siya ang interpreter ng Dumadagundong, isa sa mga official entry.

Mahirap yata na uuwi si Yassi sa Pilipinas mula sa Vietnam para mag-perform sa PhilPop 2016. Mabuti sana kung manggagaling lamang siya sa PBB house sa tabi ng ABS-CBN dahil malapit-lapit ito sa Kia Theater.

Aktres na drug user at ginagamit ang koneksyon sa pulis, bilang na ang araw

I’m sure, kinakabahan na ang mga showbiz personality na gumagamit ng illegal drugs dahil any moment, baka sila na ang pangalanan ni President Rodrigo Duterte.

Kung nagawa ni Papa Rody na sabihin ang pangalan ng mga police general na may koneksyon sa mga drug syndicate, napakadali para sa kanya na ibulgar ang names ng mga artista na lulong sa mga ipinagbabawal na gamot.

Dapat matakot ang mga addict na artista, lalo na ang isang nalaos na showbiz personality na ipinagmamalaki pa ang koneksyon niya sa mga pulis. Change has come! Hindi na uubra ang name dropping drama ng abusadong showbiz personality!

TV show balak na agad tigbakin!

Malapit nang matsugi ang isang show na hindi pa gaanong nagtatagal sa ere.

Ang sey ng source ko, negative ang mga feedback kaya nag-iisip na ang management na tsugihin ang television program na hindi nakakatawa. Tatapusin lang ang unang season ng show para hindi masyadong ma-hurt ang mga artista at production staff na involved.

Vilma pabor na hindi pasahurin ang mga tamad na kongresista

Agree si Lipa City House Representative Vilma Santos-Recto sa panukalang “No Work, No Pay” para sa mga kongresista na palaging absent sa trabaho.

Sinabi ni Mama Vi na hindi deserving na bayaran ang mga hindi nagtatrabaho na nararapat lamang. Alam ni Mama Vi ang kanyang mga sinasabi dahil sa karanasan niya bilang mayor ng Lipa City at gobernador ng Batangas province.

Si Navotas Cong. Toby Tiangco ang naghain ng batas para maipatupad ang ‘no work no pay’ policy sa congress. “Notwithstanding the express mandate of the Constitution and existing laws, some members of Congress have failed to promptly, effectively, and efficiently carry out and perform the mandate of their office by reason of their failure to regularly attend sessions of Congress,” sabi ni Cong. Toby sa kanyang paliwanag sa House Bill 412 na kanyang ipinasa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: