^

PSN Showbiz

Sa rami ng koleksyon Soyalerang personality kering magbukas ng sariling branded shop

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hinding-hindi maaaring kalimutan ng isang grupo ng mga stylists ang naging karanasan nila sa isang sosyalerang female personality. Kinuha siyang maging cover ng isang high-end magazine.

Kapag ganu’n ay ang mga stylist ang sumasagot sa damit, sapatos at accessories ng kanilang ipinipiktoryal. At dahil kilalang sosyalin ang aktres ay natural lang na puro branded ang pinul-out na mga stuff para gamitin niya sa pictorial.

Nabigo na agad sila nang dumating sa studio ang aktres. Naka-make-up na siya, hindi nasunod ang istilong gustong gawin sa kanya ng mga namamahala sa shoot, pero pinalampas na nila ‘yun.

Kailangan nang bihisan ang aktres, magsisimula na ang pictorial, kaya inilinya na ng mga stylists ang mga kinuha nilang damit, sapatos at accessories sa iba-ibang sosyaling shop.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng ipinasusuot na sa kanya ang shoes, nakasimangot siya, pero isinuot pa rin naman niya. Kaso, hindi niya type ang shoes, kaya bigla niyang hinubad.

“Ang sabi niya, ‘Ano ba namang klase ng shoes ito? Hindi ko type!’ Ihinagis niya ang sapatos, natanggal ang takong, sira ang shoes na ibabalik dapat uli ng mga stylist sa shop dahil ex-deal nga ang usapan!

“Nakakaawa ang grupo, sila ang nag-ambag-ambag para mabayaran nila ang branded shoes. Sobra ang babaeng ‘yun! Ang isinuot niya sa pictorial, e, ang sarili niyang kagamitan.

“Ang dami-dami niyang dala! Male-maleta! Para siyang magbubukas ng sarili niyang branded shop sa dami! Name the brand at meron siya. Nakakalula ang mga stuff niya, iba na talaga ang may milyonaryong papa de asucarera!” komento pa ng aming impormante.

Ubos!

Mayor Lani kay Bong nanumpa!

Naging emosyonal ang panunumpa ni Mayor Lani Mercado nu’ng nakaraang Huwebes. Ang dating congresswoman ay mayor na ngayon ng Bacoor. Siya ang pinakaunang babaeng mayor ng lugar, si dating Mayor Strike Revilla ang humalili sa kanyang dating posisyon, number one councilor naman si Rowena Bautista Mediola.

Nanumpa si Mayor Lani sa isang malaking video wall, si Senator Bong Revilla ang kanyang pinanumpaan, habang nagaganap ang pagpapalitan nila ng litanya ay nag-iiyakan ang lahat ng sumasaksi sa panunumpa.

Kumpleto ang pamilya Revilla sa oath taking ni Mayor Lani. Dumating ang kanyang mahal na biyenan, naka-wheelchair na sinaksihan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. ang panunumpa ng kanyang manugang, dumating din ang The Living Legend na si Robert Jaworski.

Hindi napigilan ng mga nasa simbahan ang mapaluha, hindi man personal na kasama ng kanilang mayor si Senador Bong na nakapiit sa PNP Custodial Center ay damang-dama pa rin ang kanyang presensiya, napakakisig ng aktor-pulitiko sa kanyang barong habang nakataas ang kanang kamay para sa panunumpa ng kanyang misis.

Sa darating na Lunes ang unang araw ng pagdalo ni Mayor Lani sa flag raising ceremony ng pamahalaan ng Bacoor. Magpapasalamat siya sa tiwala at pagmamahal na ipinagkaloob sa kanya ng mga Bacoorenyo.

Napakaganda ng kanyang bisyon para sa kanyang mga nasasakupan, buhay na buhay ang kanyang palaging inuulit-ulit na battlecry nu’ng nakaraang halalan—ONE TEAM, ONE LOVE, ONE BACOOR!

Maligayang bati kay Mayor Lani Mercado Revilla!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with