^

PSN Showbiz

GMA child actress Therese ‘Teri’ Malvar, wagi na naman ng best actress sa Moscow

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Labis ang tuwa ng GMA Artist Center star na si Therese ‘Teri’ Malvar ng matanggap ang balita na nagwagi siya ng Best Actress award mula sa Moscow International Film Festival. Tsika pa ng young actress, papunta siya ng New York para tanggapin ang isa pang award mula sa New York Asian Film Fesival nang malaman niyang nanalo rin siya sa ibang award giving body. “Nagulat po ako. Unexpected po kasi dahil isa na naman pong award mula sa international award giving body ang aking natanggap. Thankful po ako sa lahat ng awards, pero labis po ang tuwa ko dahil pangalawa ko na ito na makatanggap mula sa ibang bansa at napapansin nila ang galing ng isang Pinoy. Mas lalo pa po akong nainspire na paghusayan ang aking pag-arte.”

GMA kinilala sa 2016 Reader’s Digest Trusted Brand Awards

Bilang patunay sa tiwala sa GMA 7 ay ang pagkapanalo ng GMA ng Gold Award sa 2016 Reader’s Digest Trusted Brand Awards.

Kabilang din sa ginawaran ng pagkilala sina Jessica Soho, na nag-uwi ng Most Trusted TV News Presenter Award sa ika-anim na magkakasunod na pagkakataon, at si Mike Enriquez, na tumanggap ng kauna-unahang Most Trusted Radio Presenter Award. Congratulations, Kapuso!

Heart mga alahas naman ang susunod na pipintahan

For Kapuso actress Heart Evangelista-Escudero, colors give life. Matapos ilagay ang kanyang art sa designer bags at gowns, next stop naman for the Juan Happy Love Story actress ang dagdagan ng kinang ang mga alahas, of course with her remarkable painting skills. Sa kanyang Instagram post, proud na sinabi ni Heart ang kanyang collaboration kay Peewee Benitez, isang Bicolano na gumagawa ng handcrafted jewelleries. “A special project with my kababayan bicolano artist @peeweebenitez #lovemarieXpeeweeB bejewelled arm candies with a hand painted strap. I caaaaant wait to wear em! I’ll be accepting limited orders soon. Go to @iamlovemarie_e for details,” sabi ng aktres.

Traffic sa Mendiola mababawasan na

Oh at least hindi na isasara ang Mendiola area tuwing may rally. Matagal din nagdusa ang mga commuter tuwing magkakaroon ng rally sa nasa­bing lugar dahil isinasara ‘yun at tinatambakan ng mga pulis para siguraduhing hindi makakapasok o makakalapit man lang ang mga nagpo-protesta sa Malacañang Palace. At ang epekto nun, terrible traffic na pinagdurusahan ng mga estudyante at mga nagtatrabaho sa Manila area. At least sa pag-upo ni President Rody Duterte, pinapapasok niya ang mga nagra-rally at nakikipag-tsikahan with matching merienda pa. Malaking bagay ‘yun hindi lang sa communters kundi maging sa mga nagra-rally na nabigyan ng importansiya sa pag-upo ng bagong pangulo. Madadala nga naman sa maayos na usapan ang lahat ng bagay na hindi kailangang bombahin ng tubig o ratratin.

Marami pang hindi nakakalimot sa madugong Mendiola massacre noong 1987 kung saan inatake ang mga Southern Luzon activist na nagmartsa sa Mendiola bridge. Dini-demand nila ang sinasabi nilang genuine land reform.

Pero ayon sa mga naka-survive noon, walang sabi-sabi na inatake sila ng mga pulis na nakabantay. Marami ang namatay at sugatan sa nasabing pag-atake ng mga pulis.

At least ngayon, hindi na sila matatakot na mag-protesta dahil hinaharap sila ng pangulo.

Kris tinalikuran na ang mga dating paborito

Ano kayang masasabi nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa appearance ni Kris Aquino sa ‘Yan ang Morning kahapon? Nag-no. 1 trending topic kahapon sa Twitter ang guesting ni Kris sa morning show ni Marian Rivera.

Hindi man head on ang YAM at Magandang Buhay, still, the same ang concept at ‘yun ang pinanggalingang slot ni Kris.

Serye ng magka-loveteam may boring factor na

Nagiging boring na ang takbo ng kuwento ng isang teleserye na napapanood sa primetime ng isang channel.

Parang put on na lang kasi ang kilig nila. So unreal na nagre-reflect sa flow ng kanilang serye.

Kelan nga kaya nila tatapusin ang nasabing serye?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with