^

PSN Showbiz

Misis na na-in love sa kasambahay na babae tampok sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang tunay na nagmamahal ay kayang ipaglaban ang kanyang pag-ibig pero paano kung ang pagmamahal niyang ito ay tila laban sa nakasanayan na ng ating lipunan?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, panoorin ang totoong kuwento ni Lani – isang misis na umi­big sa kasambahay niyang babae.

Itinatampok sina Katrina Halili, Dion Ignacio, Winwyn Marquez at Lui Manansala.

Ikinasal sina Lani at Simon. Sa simula ay maayos ang kanilang pagsasama ngunit nagbago ng ugali si Simon nang malaman niyang baog si Lani. Naging lasenggero at babaero siya. Madalas, sinasaktan din ng pisikal ni Simon si Lani.

Ang kasambahay nilang si Elena ang laging napagbubuhusan ni Lani ng sama ng loob. Mabait naman si Elena at laging nakahandang makinig sa mga problema ni Lani. Lagi ring pinasasaya ni Elena si Lani. Hindi nagtagal, naging malapit sina Lani at Elena sa isa’t isa.

Hanggang sa dumating ang araw na iba na ang nararamdaman ni Lani kay Elena. Ang pagmamahal niya kay Elena ay higit pa sa isang kaibigan. Pinilit ni Lani na labanan ang kanyang nararamdaman pero sa huli, inamin din niya ang totoo kay Elena. Masaya naman si Elena sa pag-amin ni Lani dahil pareho lang pala sila ng nararamdaman. Pero itinago nila ang kanilang relasyon sa takot na husgahan sila ng mga tao.

Isang araw, nabuking din ni Simon sina Lani at Elena. Nagalit siya at sinaktan ang dalawang babae. Gina­hasa niya rin si Elena. Nabuntis ito at inagaw ni Simon ang sanggol. Pinagbantaan din ni Simon sina Lani na ipahihiya niya ang mga ito sa mga tao kapag nagsumbong sila.

Paano makakawala sina Lani sa pagpapahirap ni Simon? Mabawi pa kaya ni Elena ang anak niya? Higit sa lahat, paano ipaglalaban nina Lani at Elena ang kanilang pag-ibig kung ang lipunan naman ay hinuhusgaan na sila?

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA7..

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with