Alfred Romualdez hindi umepal sa oath-taking ni Cristina
Humanga ang entertainnent press na naimbitahan sa oath-taking ni Tacloban City Mayor Cristina Romualdez sa naging gesture ng dating mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez. Pagkatapos ng picture taking at maiksing TV interview, lumayo si Alfred at hinayaan na si Mayor Cristina ang interbyuhin ng media. Hindi na siya pumapel pa.
Nauna rin si Alfred na umakyat sa entrance ng Tacloban City Hall kung saan ginawa ang oath-taking. Hinintay na lang nito si Mayor Cristina para alalayan sa pag-akyat. Tila tototohanin nito ang minsang nasabi na magiging private citizen muna siya at susuportahan na lang ang misis.
Dapat maghanda si Alfred dahil hindi lang si Mayor Cristina ang kanyang susuportahan, pati na rin ang eldest daughter niyang si Sofia Romualdez na may future maging singer.
Kumanta at naggitara si Sofia sa Sangyawan Music Festival sa harap ng maraming tao at maganda ang feedback ng audience. Very proud sina Alfred at Mayor Cristina sa positive feedback lalo na ng media sa ipinakitang talent ng anak.
Maganda ang farewell speech ni Alfred na, “I live in this city, I love this city. I’m looking forward for a private life and raising our children.”
Pinasalamatan ni Alfred ang mga tumulong sa Tacloban noong salantain ng Yolanda ang kanilang bayan pati na ang national government na hindi sumuporta sa Tacloban.
Aiza at Liza ini-snob si Pres. Digong?!
In fairness, hindi kinalimutan nina President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo ang mga taga-entertainment na sumuporta sa kanilang kampanya at kandidatura.
Present sa inauguration ni Pres. Duterte sina Arnell Ignacio at Usec Kat de Castro at marami pang iba. Sinabihan silang ‘wag mawawala, pero hindi sumipot sina Aiza Seguerra at Liza Diño-Seguerra.
Present naman sa inauguration ni VP Leni sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Bea Binene, Enchong Dee at Jim Paredes at marami pang iba.
May post si Dingdong sa social media na “Today is the start of my journey as a private citizen to rally behind our leaders. We all have our part in nation building...let’s make it count.”
Maaalalang nag-resign si Dingdong bilang commissioner ng National Youth Commission. Ngayon ay naka-focus siya sa pagpapalaki kay Baby Zia with Marian maging sa movie niya sa Star Cinema na The Unmarried Woman at sa Encantadia.
Keempee tsinugi sa Eat Bulaga nang hindi alam ang dahilan!
Kaya pala hindi na napapanood sa Eat Bulaga si Keempee de Leon ay dahil inalis na siya sa show. “Tinanggal na po nila ako mag-four months na po,” sagot ni Keempee sa nagtanong kung bakit hindi na siya napapanood.
Sa isa pang post ni Keempee, nabanggit na grateful siya na nakatrabaho si Paolo Ballesteros. “Hope to see you back in EB anytime soon. As for me waley na...sabi nga nila...shonggal nako sa show. Di ko alam kung bakit. Waley nemo or explanation. You deserve to be there and be back. They need you kahit di nila aminin. Your good Pao!!! Good luck! God bless:)”
- Latest