^

PSN Showbiz

VP Leni at Dra. Belo, puwedeng magkapatid!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Puwedeng mapagkamalan na magkapatid sina Dra. Vicki Belo at Vice President Leni Robredo.

Napansin uli ang pagkakahawig nina Mama Vicki at Mama Leni sa oath-taking nito kahapon sa Quezon City Executive House na dating kilala bilang Boracay Mansion.

Hindi nakalimutan ni Mama Leni na banggitin sa kanyang speech ang laylayan word na pinasikat niya noong kampanya. Sandali lamang ang speech ni Mama Leni na live na napanood sa mga television network.

Opisina ni VP ilang kembot lang sa condo nila ng mga anak

Ang mapuntahan ang Boracay Mansion ang isa sa mga type ko na matupad.

Naging kontrobersyal ang Boracay Mansion noong 2000 dahil  ‘yon sana ang titirhan ni Laarni Enriquez pero nalaman ng media.

Ibang-iba na ang itsura ngayon ng Boracay Mansion dahil wala na ang malaking swimming pool, ang white Boracay sands at ang mga isda sa fish pond.

Madaling  puntahan ang Boracay Mansion dahil malapit lang ito sa E. Rodriguez  Boulevard at Balete Drive, Quezon City. Siyempre, hindi na madali na makapasok sa Boracay Mansion dahil ito ang napili ni Mama Leni na maging opisina niya habang  siya ang bise-presidente ng Pilipinas. Napakalapit lang ng Boracay Mansion sa condominium building na tinitirhan niya at ng kanyang tatlong anak.

Baste biglang naging disente ang hitsura!

Nag-stay naman sa City of Dreams ang pamilya ni President Rodrigo Duterte para sa inauguration niya kahapon sa Malacañang Palace.

Kumpleto ang pamilya ni Papa Rody dahil kasama ng kanyang mga anak ang first wife niya na si Elizabeth Zimmerman.

May request si Mama Elizabeth na huwag silang pagsamahin ni Honeylet Avanceña, ang common law wife ni Papa Rody. Maliit lang ang lugar na pinagdausan ng panunumpa ni Papa Rody sa Malacañang Palace kaya tingnan natin kung paano niresolba ng mga in-charge  ang sitwasyon para hindi makita sa iisang frame ang mga babae na malapit sa puso ng bagong pangulo.

Hindi agad nakilala ng fans si Baste Duterte dahil nag-ahit ito ng balbas at bigote. Nanibago ang fans ni Baste dahil nasanay sila sa rugged at rockstar na itsura ng anak ni Papa Rody.

Respetadong-respetado sa kanyang suot na Barong Tagalog si Baste  na nakakatanggap na ng mga imbitasyon para mag-perform sa iba’t ibang events.

Mahilig kumanta si Baste dahil may boses naman siya kaya interesado ang staff ng mga television show na i-guest siya. Abangan na lang natin kung pauunlakan ni Baste ang mga offer na television guesting or pakikinggan niya ang payo na huwag siyang maging another Mike Arroyo at Kris Aquino na pumasok sa showbiz nang maging mga pangulo ng bansa ang mga nanay nila.

Actress award-winning magmanipula ng kuwento!

Shocking ang ugali ng isang aktres na kilala sa pagiging manipulative dahil nagagawa niyang baguhin ang kuwento para makuha ang simpatiya ng publiko.

Dapat magpasalamat ang aktres dahil edukado at disente ang mga kamag-anak niya na pinili na huwag magsalita para hindi masira ang kanyang image.

Sa totoo lang, walang nagtatagal na kaibigan ang manipulative actress dahil sa masama nga ang ugali niya. Pinagtataguan na siya ng mga kaibigan na hini­hingan  niya ng mga pabor. Mabait lamang siya sa friends na mapapakinabangan at magagamit  para sa kanyang mga personal interest.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with