^

PSN Showbiz

Kris maraming inamin kay Marian?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bitbit ni Marian Rivera sa oath-taking ni VP Leni Robredo ang Hermès Himalayan crocodile Birkin bag na umano’y nagkakahalaga ng almost P20 million (though walang definite na presyo pero ayon sa mga report ‘yun ang halaga ng nasabing bag na limited edition lang). Kaya naman marami na naman ang naglaway. Dalawa sila ni Heart Evangelista na may ganung klase ng bag sa bansa. May pambili sila kaya wala naman puwedeng mag-react negatively.

Magkasama ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian sa nasabing inaguration kahapon. Nanguna rin naman kasi sila sa kampanya ni VP Leni.

Speaking of Marian, ngayong araw na eere ang guesting ni Kris Aquino sa programa niyang ‘Yan ang Morning.

Maaalalang marami ang nagulat nang makita nila sa Instagram account ni Kris na magiging guest nga siya sa show ni Mrs. Dantes. Tutuparin daw niya ang pangako sa kanyang mga inaanak sa kasal. 

At ngayon nga magaganap ang paghaharap ng Primetime Queen at Queen of All Media! 

Isi-share raw ni Kris kay Marian ang lahat ng mga naganap sa kanyang buhay mula nang pansamantala siyang nagpaalam mula sa showbiz. Ituturo rin niya kay Marian ang kanyang most-requested recipe para sa binagoongang baboy na ginagamitan niya ng special technique sa pagluluto. At susuklian naman daw ito ni Marian sa pamamagitan ng pagturo kay Kris kung paano gumawa ng isang magandang floral arrangement gamit ang paborito niyang kulay ng bulaklak! 

Marami pa umanong rebelasyong ibubunyag si Kris na exclusive sa isang girl-talk moment kasama si Marian sa Yan Ang Morning, 9:30 a.m. sa GMA!

Ito na kaya ang simula ng pagiging Kapuso ni Kris?

Tacloban wala nang bakas ng Yolanda

Wala nang bakas na hinagupit ng napakalakas na bagyong Yolanda na kumitil ng buhay ng libu-libong mga taga-Leyte sa ginanap na Parade of Lights na bahagi ng Sagyaw Festival at Sto. Niño Fiesta noong Miyerkules ng gabi dito sa Tacloban City.

Masaya ang lahat ng mga taga-Leyte particular na ang mga taga-Tacloban sa rami ng contingents na mula sa iba’t ibang lugar.

Hindi na halos namin mabilang ang mga float na sumali dahil sa rami at ganda ng mga pumarada.  Kitang-kita na pinaghandaan nila at ginastusan ang bawat float.

Pero ang talagang magandang nakita namin ay ang kaligayahan ng mga taong sumaksi na pumapalakpak at sumisigaw habang nanonood.

Bukod sa ginanap na Parade of Lights, nauna nang nagkaroon ng concert at street party. Ang concert ay pinangunahan ng anak nina Tacloban ex-Mayor Alfred Romualdez and now Mayor Cristina Gonzales na si Sofia na ayon mismo kay Mayor Kring Kring (nickname ni Mayor Cristina) na bata pa lang ay mahilig na sa music.

Lahat ng tao talaga ay lumabas at nakisaya. Mula bata hanggang sa mga may edad na.

May ilang lugar na madadaanan namin na may mga sira-sira pang bahay pero kung wala kang alam sa nangyari, hindi mo iisipin na winasak ang lugar na ito.

Ibang klase ang resilient, madali silang nakaba­ngon sa isang malalang sitwasyon.

Anyway, kasabay ng oath taking nina President Digong Duterte and VP Leni Robredo at iba pang mga elected officials ang oath-taking kahapon si Tacloban Mayor Kring-Kring. Landslide ang victory niya noong nakaraang May 11.

Nakabangon na nga ang Tacloban at balik na sa normal ang lahat at tuloy na uli ang pag-asenso nito.

MMFF free for all na!

Bagong buwan, bagong presidente – President Digong Duterte. Kaya may mga nagtatanong, kasama kaya sa magkakaroon ng pagbabago ang darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016 na nagkaroon ng panibagong rules ang regulations kamakailan lang?

Last Tuesday ay opisyal na binuksan ang MMFF 2016 kung saan inilatag ang changes ngayong taon. At si Pres. Noy pa ang nakaupo nun.

Sinimulan ito sa pagbabago ng board of directors na bubuo sa executive committee. At opisyal na nag-umpisa ang kanilang bagong tungkulin ang bagong board sa pamamagitan ng isang launch kung saan ipinakilala ang  line-up ng activities at bagong selection criteria para sa mga sasaling producer.

Ang mga kundisyon para sa choice of finalists ay binuo base sa istorya, audience appeal, overall impact (40%), cinematic attributes at technical excellence (40%), global appeal (10%), at Filipino sensibility (10%).

Nag-iimbita rin sila sa lahat ng Filipino artists na sumali sa logo design at theme song contest na siyang mag-se-set ng mood para sa buong MMFF. Ang magwawagi ay ‘di lamang ididisenyo ng artist ang bagong emblem ng festival kundi lilikhain din niya ang mga key art para sa buong 6-month campaign.

Ang theme song naman ang magiging signal banner para sa festival; ang mga seasoned composers na sina Jimmy Bondoc, Jerrold Tarog, at Robert Rivera ang pipili ng winning piece. Ang mga entry para sa logo at theme song submission ay bukas mula Hulyo 15 hanggang Agosto 15. Iaanunsyo ang  mga nagwagi sa kumpetisyon sa ika-15 ng Setyembre.

Ni-redesign din ng 2016 MMFF ang kasalukuyang season nito upang parangalan ang magandang trabaho ng Philippine film industry.

Magkakaroon din ng isang travelling installation, kung saan ilulunsad ang isang MMFF corner na magbibigay ng chance sa fans noon at ngayon na gunitain ang pinakamagagandang pelikula ng bansa sa pamamagitan ng interactive galleries. Kasabay nito, ipapalabas din ng MMFF ang Best of the Best fest sa mga piling sinehan, na siyang magbibigay ng pagkakataon sa mga tagahanga na muling mapanood ang mga pelikulang nagbigay kulay sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ang FanCon naman ang magbibigay ng oportunidad sa mga manonood ng pagkakataon na makasalamuha ang mga direktor, prodyuser, at mga artista habang ini-explore nila ang mga upcoming movie exhibits at iba pang mga aktibidad. Mas malaki at interactive na rin umano ang fan fair para sa taunang parada ng mga artista.

Ang awards night  naman daw ay magiging isang pormal na gala. ‘Di tulad sa mga nakaraang taon, iaanunsyo ng MMFF ang mga nagwagi pagkatapos ng festival. Mangyayari ito sa Enero 8, 2017 pagkatapos ng sampung araw na festival at nagdagdag na rin daw ng mga hurado ng mas maraming mga parangal sa culminating event, tulad ng People’s Choice Award. 

At ang pinaka-importanteng pagbabago ay wala nang mainstream at indie category, pipili na lang sila ng walong pelikula mapa-indie o mainstream as in free for all labo-labo.

Para sa karagdagang impormasyon sa MMFF, bisitahin ang www.mmff.com.ph at sundan ang @mmffofficial sa Twitter, Instagram, at Facebook.                                                                                                    

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with