^

PSN Showbiz

#Hindimakarelatesamasa, Cheska at Rica hands on mom pero hindi alam ang presyo ng bigas! Closeness nina Wally at Maine binibigyan ng malisya

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang tandem nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa Born For You ang bagong kinaaaliwan ng mga Filipino sa Amerika dahil nauumay na sila sa love­team nina Enrique Gil at Liza Soberano.

SCENE: Kasama si Freddie Aguilar sa mga performer sa inauguration ngayon ni President-elect Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace. Personal favorite ni Duterte ang kanta ni Freddie na Duterte Para Sa Pagbabago.

SEEN: Hindi alam nina Cheska Kramer at Rica Peralejo ang pres­yo ng isang kilong bigas at ang jeepney fare, kahit mga hands on mothers at housewives sila.

SCENE: OA na ang fans ni Maine Mendoza na nakikiusap na ilayo siya kay Wally Bayola dahil binibigyan nila ng malisya ang closeness ng dalawa.

SEEN: Si Wally Bayola ang unang naging malapit na kaibigan ni Maine Mendoza nang magsimula ito bilang Yaya Dub ng kal­ye­serye ng Eat Bulaga. Nameless pa si Maine, magkaibigan na sila ni Wally.

SCENE: Ang panunumpa ka­ha­pon nina Yul Suervo at Ro­bert Ortega bilang mga bagong halal na house represen­tative at konsehal ng Maynila, respectively sa Manila City Hall.

SEEN: Public na uli ang Ins­tagram account ni Scarlet Belo dahil kinumbinsi ni Dra. Vicki Belo si Hayden Kho, Jr. na i-share sa mga tao ang activities ng kanilang anak.

SCENE: Ang special screening ng Ma’Rosa noong Martes. Sa susu­nod na linggo na ang theater release ng inililihim na pelikula ni Jaclyn Jose na makakabangga sa box office ng I Love You To Death, ang pelikula nina Kiray Celis at Enchong Dee.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with