^

PSN Showbiz

AiAi gustong pag-usapan sa abroad kaya nagpaka-pokpok! Malalaking artista takot sa deadline ng MMFF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ipinakilala kahapon sa press launch ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang bubuo ng screening committee na karamihan ay taga-movie industry mismo.

May ilang artistang kasama sa mag-i-screen ng mga pelikulang kasali, pero titiyakin na wala silang entry.

Hanggang sa ngayon ay nag-aalangan pa ring mag-commit ang big stars na sumali dahil baka hindi raw sila makahabol sa deadline kung saan dapat tapos na ang pelikula ng October.

Pero may iba namang gustong sumali at magsisimula na silang mag-shoot.

Si Vice Ganda raw ang isa sa mga interesado pero medyo nahirapan siyang makabuo dahil wala  na si direk Wenn Derramas. Ang dinig naming magdidirek sa kanya ay si direk Cathy Garcia-Molina.

PAK: May ilang tsika kaming narinig tungkol sa balak na pagbabalik-showbiz ni Kris Aquino.

Nabanggit ni Kuya Boy Abunda sa isang interview na meron na raw pag-uusap sa pagitan nina Kris at ng ABS-CBN 2. Pero ang narinig naming tsika, isang taon lang daw ang ibibigay sa kanyang kontrata. Five years yata ang ini-expect niya na hindi na raw kayang ibigay ng Kapamilya network dahil mahirap asahan ang interes niya sa trabaho.

Hindi kasi matiyak kung ano raw ang papasok sa utak niya at biglang titigil na lang siya sa show.

Ang isa pang narinig namin, isang weekly travel show daw ang ibibigay sa kanya ng Dos.

Pero habang wala pa siyang pinipirmahang kontrata, maggi-guest muna siya sa GMA 7, dahil naka-commit daw siya sa Yan ang Morning ni Marian Rivera.

Ngayong araw ang taping niya sa GMA 7. Tingnan natin kung pag-uusapan uli si Kris sa kanyang guesting.

BOOM: Na-challenge naman nang husto si AiAi delas Alas sa mga co-star niya sa pelikulang Area, kaya wala rin siyang kiyemeng maghubad sa ilang maseselang eksenang ipinagawa sa kanya.

Walang kaarte-arteng nagpakita ng suso at maseselang parte ng katawan ang ilang indie actress na kasama ni AiAi na ikinaloka niya.

Sabi naman ni AiAi, talagang in-internalize raw niya ang role ng isang nalalaos na pokpok, kaya wala siyang kiyemeng naghubad.

“Actually, nahirapan talaga ako. Parang first time ko nasabi sa sarili ko na marami pa pala akong matututunan. Pero ang gusto ko sana talaga rito na sana mapansin naman ako sa international,” pahayag ng comedy Queen.

Marami pa raw siyang gustong gawin sa pelikula, pero itong Area ay malaking achievement na raw sa kanya dahil nagawa niya at pinuri siya sa kanyang performance.

Natutuwa siya dahil kahit nagulat ang anak niyang si Sancho sa kanyang paghuhubad. Proud naman daw ito sa kanyang ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with