^

PSN Showbiz

AlDub fans wini-winish na magpakamatay na si Jasmine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May isyu pala ang ibang AlDub Nation fans kay Jasmine Curtis-Smith dahil sa sagot nito sa partisipasyon niya sa Ima­gine You And Me movie nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagtampo kay Jasmine ang ilang AlDub fans sa parang hindi siguradong sagot ni Jasmine at puro “raw” at “daw” ang sinabi. Hindi nito mabanggit ang pangalan ni director Mike Tuviera kaya may mga nagtanong kung kilala niya si direk Mike. Pati ang playdate ng movie ay hindi sigurado ni Jasmine kung July 13 ito ipalalabas sa mga sinehan. Ang the height, hindi rin daw sigurado si Jasmine sa title ng movie.

Tinawag na “plastic” si Jasmine at may nagsabi pang hindi na lang sana niya tinanggap ang pelikula kung hindi siya seryoso. Nadismaya rin ang ibang fans dahil parang hindi proud si Jasmine na makasama sa pelikula nina Alden at Maine.

Obviously, nabasa niya lahat ang comments/bashing sa kanya social media at doon sa nag-suggest na magbigti na lang siya, “suicide is not a joke” ang kanyang sagot.

Sana nga matapos na sa pagso-sorry ni Jasmine ang isyu lalo’t malapit na ang showing ng Imagine You And Me. Sana rin hindi totohanin ng ibang AlDub fans na ibu-boo nila si Jasmine ‘pag lumabas sa pelikula.

Tom ipapareha kay Lovi!

Sina Tom Rodriguez at Lovi Poe ang pagtatambalin sa bagong teleserye ng GMA 7. Wala pang title ang teleserye pero si Maryo J. Delos Reyes ang magiging director nito.

Ang una naming nabalitaan, kasama si Max Collins sa cast. Kaya lang, hindi na yata siya matutuloy dahil kasama si Max sa cast ng Encantadia. 

Tama ba kaming first time magtatambal nina Lovi at Tom? Hindi naman siguro ito magiging isyu kina Tom at Carla Abellana.

Original concept daw ang teleseryeng pagtatambalan nina Tom at Lovi.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with