^

PSN Showbiz

Kris ang bilis magparamdam!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ipinaramdam agad ni Kris Aquino ang presence niya. Dumating si Kris noong Linggo mula sa dalawang buwan na pagrampa nila ng kanyang mga anak sa Amerika.

Kinabukasan, pinaingay na niya ang balita na tuloy na tuloy ang kanyang guesting sa Yan Ang Morning, ang show ni Marian Rivera sa GMA 7.

Tama ang desisyon ni Kris na umapir sa programa ni Marian dahil walang impact kung lalabas siya sa morning show na ipinalit sa KrisTV.

Parang demotion ang nangyari dahil bigla naging dama ang dating reyna ng mga talk show ng ABS-CBN.

Kita n’yo naman, maingay at pinag-uusapan na ang pag-apir niya sa Yan Ang Morning kahit ngayon pa lamang mangyayari ang taping.

MMFF 2016 puro indie na lang ang mapapanood?!

Kahapon ang grand launch sa SMX Convention Center ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016.

Invited ako ni Chuck Gomez sa presscon pero alam niya na hindi ako pumupunta kapag malayo ang venue.

Hindi ako nagdalawang-salita kay Chuck na ipinagdasal na ibigay sa kanya ni God ang project kaya maligayang-maligaya siya.

Kung may na-miss ako, ito ay ang bonggang pa-raffle na hindi nawawalan ng mga sorpresa sa mga presscon ng mga account niya. Si Chuck ang mega PR ng Puregold na mga celebrity endorser sina Luis Manzano, Vic Sotto at ang Eat Bulaga Dabarkads. Hindi ko malilimutan ang mga gadget na ipina-raffle niya sa Puregold presscon.

Anyway, mahalaga ang MMFF 2016 presscon na ginanap kahapon dahil maraming mga katanungan ang ipinasagot sa executive committee.

Naging kontrobersyal ang bagong ruling na finished product at hindi script ang dapat i-submit ng mga movie producer na type mag-join sa MMFF 2016.

Pumalag ang mga bigtime movie produ dahil imposible raw ang gustong mangyari ng executive committee. Kabilang sa mga nag-emote si Bossing Vic Sotto na naglitanya noon sa presscon ng Hay, Bahay. Sa September 2016 ang deadline ng submission ng finished movie kaya nagsalita nang tapos si Bossing na imposible na makaabot siya sa deadline dahil inaabot ng tatlo hanggang apat na buwan ang shooting ng mga pelikula niya.

May mga movie producer na nag-dialogue na kapag hindi binago ng MMFF Execom ang ruling, mga indie movie ang tiyak na mapapanood sa film festival sa December.

Naniniwala ako na maaayos ang problema kung magkakaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga movie producer at executive committee ng MMFF. Magiging masaya ang lahat, pati ang moviegoers, kapag nalutas ng powerful figures sa movie industry ang isyu.

Vhong hindi pa rin nakakamit ang hustisya

Nanumpa si Jhong Hilario bilang elected councilor ng Makati City noong Lunes.

Si Chito Roño ang manager ni Jhong kaya sinaksihan niya ang panunumpa ng kanyang alaga na malayo na ang narating.

Isa si Jhong sa mga anak-anakan ni Chito na malayo ang narating. Hindi natin masisisi si Chito kung maging emotional dahil nasubaybayan niya ang career at personal life ni Jhong.

Walang Jhong Hilario, walang Vhong Navarro kung walang Chito Roño.

Si Vhong ang pinaka-successful sa mga talent ni Chito dahil mula sa pagiging member ng Streetboys, naging magaling siya na komedyante at TV host.

Eyewitness ako sa pag-aalaga at sobrang concern ni Chito kay Vhong nang umbagin ito ng grupo ni Cedric Lee, two years ago.

Naka-move on na si Vhong mula sa kanyang traumatic experience pero hindi pa niya nakakamit ang hinahanap na hustisya. Ganyan “kabilis” ang justice system sa ating bansa at wish ko lang, magkaroon ng pagbabago sa pag-upo ni President-elect Rodrigo Duterte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with