^

PSN Showbiz

Richard Yap bubuhayin ang Mano Po!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Perfect choice si Richard Yap ng Regal Films para sa pagpapatuloy ng movie franchise na Mano Po (7 Tsinoy).

Kahapon ay nagpirmahan ng kontrata ang Kapamilya actor at mag-inang Mother Lily and Roselle Monteverde para sa pelikulang isasali ng Regal sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Solong bida si Richard sa movie na kukunan pa ang karamihang eksena sa China.

May nararamdamang kaba ang actor pero ayaw daw niyang magpaapekto

“Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yan. Baka ma-affect ‘yung movie. I will just do my best and tingnan natin kung ano ang magiging come out nito. ‘Wag muna nating isipin ‘yon,” pahayag ni Richard.

Hindi naman siya mahihirapang i-portray ang cha­racter dahil sa inamin niyang personal na karanasan noong bago siya nag-asawa.

Ayaw pala ng mga magulang niya sa kanyang naging misis na Pinay dahil sa tradisyon ngmga Chinese family. Pero walang nagawa ang kanyang mga magulang. Nagpakasal siya kaya natanggalan siya ng share sa kanilang mga family business. Pero nang magkaanak sila ng lalaki, bumalik sa normal ang lahat.

Naranasan din niya ang arranged marriages. Pero hindi raw nag-materialize kaya nagalit din ang ama.

Mas pinili pa rin niya ang misis niya at ngayon naman daw ay ok na ang lahat.

Hindi nalalayo sa real life experiences ni Richard ang kuwento ng pelikula, pero tiyak na mas malalim ang kuwento ng gagawin niyang movie sa Regal.

Today pa lang ang showing ng latest flick ni Richard na The Achy Breaky Hearts with Jodi Sta. Maria and Ian Veneracion. Isang romantic comedy ang movie ng Star Cinema.

Sa Mano Po 7, magda-drama siya. “Maiba naman. Try naman natin ang ibang genre. You have to show your versatility also,” banggit niya pa.

Naging tradisyon na ang Mano Po sa MMFF pero namahinga ang Regal sa paggawa nito kaya maraming naghahanap tuwing MMFF.

Si Megastar Sharon Cuneta ang huling nagbida sa Mano Po.

James at Nadine level up sa Till I Met You

Mas mature and level up pala ang story ng character nina Iris at Baste sa Till I Met You, ang follow up teleserye nina James Reid and Nadine Lustre after their super huge success na On The Wings of Love.

Si Direk Antoinette Jadaone pa rin ang magha-handle ng serye na magsisimulang umere sa September.

Pormal na nagkaroon ng announcement ang nasabing bagong serye ng real life loveteam sa trade launch ng mga bagong programa ng ABS-CBN kung saan lumabas na nakasuot pangkasal ang dalawa the other night.

Kukunan din umano sa ibang bansa ang mga eksena ang Till I Met You pero kapwa magkakaroon muna ng break ang dalawa bago sumabak sa taping and shooting ng kanilang movie na si Direk Antoinette rin ang magdidirek. Si James ay one month mamahinga habang two weeks lang si Nadine.

Wala namang may alam kung makakahabol ang sisimulan nilang movie sa Metro Manila Film Festival dahil nga may naka-set na deadline ang MMFF sa October.                                       

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with