^

PSN Showbiz

Negosyanteng namimigay ng bag, makikilala sa My Puhunan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makikilala ni KBP Golden Dove Awards Best Public Service Program host Karen Davila ngayong Martes (Hunyo 28) sa My Puhunan ang may-ari ng Be A Gi­ver 943 (BAG943), isang online store na sa bawat bag na naibebenta ay nagbibigay ng libreng bag sa mga estudyanteng may kakulangang pinansyal.

Lumaking mahirap si Josh Mahinay na tubong Zamboanga, kung saan pinagtrabahuhan niya ng husto ang kanyang scho­lar­ship mula elementarya hang­gang kolehiyo.

Isang graduate ng Political Science, isinuko ni Josh ang pag-aaral ng abogasya para ala­gaan ang kanyang inang may sakit sa pamamagitan ng pagiging tagalinis ng mga kwarto sa isang hotel sa Las Vegas sa Amerika.

Imbis na magpapigil sa mga balakid, nagsumikap siya at tinatag ang Be A Giver 943, upang tulungan ang mga batang tulad niya noon ay hirap sa buhay na mas ganahan mag-aral at tuparin ang mga panga­rap nila sa buhay.

Tumutok lang kasama si Karen Davila nga­yong Martes, sa bagong episode ng My Puhunan, sa ganap na 9:30pm sa DZMM Teleradyo at pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o kaya sa www. iwanTV.com.ph.

Yan may pa-bridal shower!

Isang instant na Bridal Shower ang magaganap ngayong Martes sa Yan ang Morning!

Dadalaw ang soon-to-be-brides na sina Rufa Mae Quinto at Francine Prie­to, ikukuwento nila kung paano nila nakilala ang kanilang mga mapapangasawa.

Pareho silang maraming pinagdaanan sa buhay lalo na sa pag-ibig pero marami silang aral at payo para lagi pa ring maging positive! At para maging handa na sila sa pag-aa­sa­wa, tuturuan sila ni Ma­rian ng isang dish na sakto para sa kanilang mga Ame­rican fiance na may Pinoy twist pa rin - ang Cheesy Mac with Adobo Flakes.

Abangan ang mga sorpresa ni Marian para kina Rufa Mae at  Francine na magpapaluha at magpapatawa sa kanila! 

Sa Miyerkules, ang tinaguriang Lord of Scents, businessman turned celebrity na si Joel Cruz ang bibisita kay Marian kasama ang mga anak niya na hindi lang isa kundi dalawang set ng kambal pa! 

Paano nga bang nagkaroon ng biological at half-Russian pa na two set of twins si Joel? Over the top na nga ba ang kanilang lifestyle kaya naiintriga?  Bibisita rin ang bida ng GMA Afternoon Prime soap na Hanggang Makita Kang Muli na si Bea Binene para samahan si Marian sa isang lutuang nababagay sa lahat ng bagets! 

Si Kris Aquino kaya kailan mapapanood sa prog­rama ni Yan? Siyempre maraming nag-aabang kung anong pag-uusapan nila.

Lahat ‘yan dito lang sa Yan ang Morning, 9:30 a.m. sa GMA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with