^

PSN Showbiz

Painting ni Heart naka-display sa isang sosyal na hospital!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May painting si Heart Evangelista sa lobby ng St. Luke’s Global City. Malaki ang painting at sa naalala namin nang ta­­nu­­ngin ang aktres sa taping ng Juan Happy Love Story, kung magkano binibili ang paintings niya? Sa halip na sumagot, ipinakita nito sa press people ang sizes ng paintings niya at kung magkano binibili.

Tama ba kami na ‘yung painting na naka-display sa Heart Institute ng St. Luke’s Global ay worth P1-M o baka mas mataas pa? Ganu’n size ang ipinakita sa amin ni Heart sa kanyang cellphone, kaya imagine kung magkano ang kinikita nito bilang painter ‘pag life si­zes canvas ang kinu-commission sa kanya to paint.

Bukod sa naka-display niyang painting sa St. Luke’s, nagkaroon din ng painting class sa nasa­bing hospital si Heart na kung saan, painting sa bag ang ipinakita niya. Hindi naman siguro darating ang araw na iiwan ni Heart ang showbiz para mag-con­centrate sa painting na sipag at talent niya ang kailangan para kumita ng milyun-milyon.

Pinost ni Heart sa social media ang Converse shoes ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero with her painting. Tiyak na marami sa mga mister ang mag­papa-paint sa kanya ng kanilang rubber shoes. Panibagong market na naman ito.

Anyway, naaaliw kay Heart ang na­no­­nood ng Juan Happy Love Story dahil sa mga eksena nila ni Dennis Trillo. Natural ang arte ng dalawa at bagay sila sa role nina Happy at Juan. Dagdag na conflict sa mag-asawa ang hindi nila pagkakaanak.

Sa pagkamatay ni Buboy, Lotlot, Nora at Ian hinihintay kung magkakaayos na

Pinost ni Lotlot de Leon sa Instagram (IG) ang picture nila ng uncle Buboy niya o Eddie Boy Villamayor na mga bata pa sila. Kini-kiss ni Lotlot si Buboy na nakapikit sa picture. Ang lakas ng tama sa mga nakakita ng picture lalo’t may tampuhan pa rin yata sina Lotlot at Nora Aunor dahil kay Buboy.

Naging isyu kina Lotlot at Nora pati na kay Ian de Leon ang diumano’y hindi nila pagbisita kay Buboy noong nasa ospital pa ito. It turned out, binisita pala nina Lotlot at Ian si Buboy. Hopefully, kahit wala na siya, maging daan si Buboy para magkaayos na sina Lotlot, Ian at Nora.

Maganda ang takbo ng career ni Lotlot nga­yon, bukod sa indie films, may Juan Happy Love Story at Conan My Beautician siya sa GMA 7.

Marjorie binasbasan ang pagsasama nina Julia at Vin

May blessing ni Marjorie Barretto ang pagta­tambal nina Julia Barretto at Vin Abrenica sa The Second Wife ng ABS-CBN. Magkakilala sina Marjorie at Vin dahil nagkasama sila sa My Fair Lady ng TV5. Alam ni Marjorie na in good hands ang kanyang dalaga.

Ang The Second Wife ang first soap ni Vin sa Kapamilya network na kanyang nilipatan after magpa-release ng kontrata sa TV5.

Pero ang tanong, nasaan na si Sophie Albert? Bakit iniwan ni Vin ang GF sa TV5? Bakit hindi niya isinama sa kanyang paglipat sa ABS-CBN?

Rhian nagsimula nang buhayin ang role ni Ate Vi

Nagsimula nang mag-taping si Rhian Ra­mos sa TV adaptation ng movie ni Vilma Santos na Sinungaling Mong Puso. Sa storycon pa lang, inamin na ni Rhian na nape-pressure siyang gampanan ang role ni Vilma dahil alam niyang ikukumpara ang acting niya rito.

Sina Rafael Rosell at Kiko Estrada ang makakapareha ni Rhian sa bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na third week ng July yata ang pilot. Ito ang papalit sa Hanggang Makita Kang Muli.

Panganay nina Mayor Cristina at Alfred Romualdez, artistahin din

In-announce ni Tacloban City Mayor Cristina Romualdez sa Instagram (IG) na magpe-perform ang eldest nila ni outgoing Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na si Sofia sa Sangyawan Music Festival naka-schedule 10pm., tonight.

Singer itong si Cristina at tumutugtog din ng gitara at sa isang video post ni Cristina, narinig naming kinanta nito ang Toxicity ni Britney Spears.

Maganda at magaling pang kumanta si Sofia, puwede siyang maging singer, kaya lang, payagan kaya siya ni Mayor Alfred?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with