^

PSN Showbiz

Alang-alang sa indie AiAi walang kiyemeng naghubad at gumulong sa putikan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kahapon ang last shooting day ng pelikulang Area ni AiAi delas Alas at napabilib nang husto ng comedy queen ang mga kasamahan niya sa natu­rang pelikula dahil wala raw itong kaarte-arte sa ilang araw na shooting nila.

Bukod sa walang kiyemeng naghubad ito, pinagulong-gulong pa si AiAi sa putikan na walang karekla-reklamo.

Ibang AiAi raw talaga ang mapapanood dito sa Area, na kahit may pagka-comedy pa rin ang pelikula, hindi raw siya nagpatawa rito.

Pinag-iisipan pa raw ng BG Films at Direk Louie Ignacio kung isasali nila sa Metro Manila Film Festival ang naturang pelikula.

PAK: Successful ang reunion ng original cast ng Mara Clara na ginanap sa Crystal Jade sa BGC nung nakaraang Sabado ng tanghali.

Si Gladys Reyes ang nag-organize ng reunion at si Judy Ann Santos ang nag-host ng lunch.

Halos lahat ay dumalo pati raw ang EP nila noon at ilang staff. Si Beverly Vergel lang daw ang hindi nakadalo dahil nasa Amerika ito.

Dala pa ni Paolo Contis si LJ Reyes na sinabi ng aktres na maliit pa raw siya ay sinusubaybayan na niya ang Mara Clara.

Sabi naman ni Gladys, “Bata pa rin naman kami noon sa Mara Clara.”

BOOM: Pinagdudahang scripted ang nakaraang laban sa URCC nina Ba­ron Geisler at Kiko Matos.

Sa mga nakapanood ng live na laban sa Valkyrie Club, tingin daw nila si Kiko talaga ang panalo. Sobrang nabugbog daw nang husto si Baron. Tingin daw nila scripted ang naturang laban at pinag-draw na lang silang dalawa.

Ang isa pang napansin nila, lasing daw si Baron nung laban nila kaya napuruhan din siya ni Kiko.

Kaya humihingi ng rematch na mukhang wala na dahil pareho nilang sinasabing nagkaayos na sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with