^

PSN Showbiz

Aktres, nangangamoy rebelde na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng ilang dekada ay parang ibon na nakakulong sa hawla ang isang pamosong female personality. Literal siyang walang kalayaan. Sa kanyang lovelife, sa kanyang mga gustong gawin, lahat ay naaayon sa gusto ng kanyang mga magulang.

Marami siyang gustong kainin, pero bawal, makasasama kasi ‘yun sa kanyang talento. Kapag may napapanood nga raw na TV commercial ang singer-actress ay nagtatanong siya sa kanyang katabi, “Ano kaya ang lasa n’yan?”

Naiinggit siya sa kan­yang mga kasamahan na mala­yang nakakakain ng kahit anong gusto nila. Hindi pinagkakaitan ng mga ma­gulang nila ang mga kapwa niya singers, pero siya, nakatingin lang at patakam-takam na lang.

“Lalo na sa lovelife niya, talagang bantay-sarado ang parents niya. Lahat ng malaman nilang may gusto sa anak nila, siguradong tablado agad, ayaw nilang paligawan ang anak nila.

“E, nakatagpo sila ng katapat, isang lalaking hindi marunong sumuko, tiniis ng guy ang mga ginawa nilang panghaharang. Wala silang nagawa dahil mahal ng anak nila ang male personality.

“Malaking issue sa family nila ‘yun, matagal siyang hindi kinibo ng parents niya, pero ipinaglaban niya ang guy. Nu’ng bandang huli, dahil wala na ngang magawa ang parents niya, pinabayaan na lang sila,” kuwento pa ng aming source.

Lahat ng meron ang pamilya nila ngayon ay siya ang susi. Siya ang dahilan ng lahat. Ni hindi nga nabibili ng female personality ang mga gusto niya, may mga nagreregalo raw naman kasi, kaya huwag na siyang gumastos pa.

Panghuling sultada ng aming impormante, “May saturation point ang pagtitiis. Nandu’n na siya ngayon. ‘Yung choice niyang huwag munang magtrabaho nang sagaran ngayon, hindi katamaran ‘yun, pagrerebelde ang tawag du’n.”

Ubos!

Kris halos hindi na makilala sa kangaragan

May isang retratong ginawang pahulaan kung sino sa social media. Walang ka-make-up-make-up ang ibina-blind item, hindi kagandahan ang anggulo, pero sa unang tingin pa lang ay malalaman mo na agad kung sino siya.

Si Kris Aquino ‘yun. Hindi puwedeng ipagkamali ang itsura ng nasa retrato, sanay na kasi kaming makita si Kris na walang make-up, napakaordinaryo ng kanyang itsura kapag ganu’n.

Kung anu-anong negatibong komento ang ikinambal ng mga netizens sa nasabing picture. Puro pintas ang inabot ni Kris na para bang isang malaking krimen na ang hindi pagme-make-up.

Nasanay na kasi ang mga kababayan natin na napapanood-nakikita siyang fully made-up, pormang-porma ang dating, puro branded ang mga suot.

Sabi ng isang kilalang make-up artist, “Si Kris ang isa sa mga personalities na pinagbabago talaga ng make-up ang itsura. Wala kasi siyang talukap. Kapag wala siyang make-up, napakaordinaryo lang ng itsura niya, hindi mo nga siya makikilala kung minsan.

“Pero kapag naayusan na siya, e, halimaw si Kris! Ang ganda-ganda niya, elegante ang dating niya, magsuot ka ba naman ng mga damit at sapatos na puro branded?

“E, ang mga suot pa niyang alahas? Sa hikaw na hikaw pa lang niya, e, malaking bahay na ang katapat na amount? Ang mga singsing pa niya, watch na milyon din ang halaga, saan ka pa?” pahayag ng make-up artist.

Halatadong sobrang pagod na pagod si Kris sa picture niyang lumabas. Maaaring kuha ‘yun habang nagbabakasyon silang mag-iina sa Amerika kung saan siya mismo ang personal na nag-aasikaso kina Josh at Bimby.

Sabi nga ng isang kaibigan naming beki, “Talagang mukhang pagod nga siya sa picture, Haggardo Versoza siya!” na ang ibig sabihi’y haggard na haggard ang kanyang dating.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with