^

PSN Showbiz

Bunsong kapatid ni Nora na dating actor, hindi pa alam kung kailan ang libing

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nakaburol sa Loyola Columbary sa Commonwealth Avenue, Quezon City si Eddie Villamayor, ang dating aktor at nakababatang kapatid ni Nora Aunor.

Stroke ang dahilan ng pagpanaw ni Eddie na kilala sa showbiz bilang Buboy. Namatay siya kahapon sa edad na 56.

Matagal nang may sakit si Eddie at hindi na siya nakakakilos mula pa noong July 2015. Si Nora ang nagpapagamot sa kanya kaya tanggap nang tanggap ng mga trabaho ang aktres.

Nag-artista noon si Eddie at gumawa ng mga pelikula na mahuhusay ang mga direktor, sina Gerry de Leon at Lupita Concio.

Matagal nang nagretiro sa showbiz si Eddie kaya wala nang naka­kaalam sa  kanyang itsura  ngayon. Mga lumang li­trato ni Eddie noong teen star pa lang ito ang nakikita ninyo ngayon sa social media at sa mga diyaryo.

Ang sabi ng staff ng Loyola Columbary, wala pang abiso sa kanila ang naulilang pamilya ni Eddie kung kailan ito ililibing.

Nakikiramay ako at ang PSN staff sa lahat ng mga naulila ni Eddie.

Kasabayan ni Arnold Gamboa sa showbiz si Eddie Villamayor.

Kasikatan ng Apat na Sikat nang pumasok sa showbiz ang kapatid ni Nora.

Mga miyembro ng Apat na Sikat sina Arnold, Dondon Nakar, Lala Aunor at Winnie Santos na younger sister ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Nanghihinayang si Arnold dahil nagplano siya na dalawin si Eddie sa ospital pero hindi niya nagawa.

Kung 56-years old na si Eddie, baka ganoon na rin ang edad ni Arnold dahil sabay-sabay sila na pumasok noon sa showbiz.

Private citizen na si Arnold aka Notnot dahil matagal na rin siyang huminto sa pag-aartista pero hindi pa nagbabago ang itsura niya.

Affected si Arnold sa pagkawala ni Eddie dahil magkaibigan at magkalaro sila noong araw.

Mabuti na lang, may Arnold at Baby K. Jimenez na may koleksyon ng mga litrato ni Eddie noong active pa ito sa showbiz.

Pinasalamatan ni Arnold si Baby K. dahil sa mga litrato na inilabas nito.

“Thank you for this treasure ate Baby...I am actually so regretful now because I planned to visit Buboy. Buboy’s face kept flashing in and out of my thoughts last week that’s why I decided to visit him last Saturday.

“However, when I was texting and calling his “bantay” - ate Nancy (his first cousin) if it was a good time to visit Buboy, her phone was off. So, i decided to visit him some other day instead.

“Little did I know that it was a message already from him...for us to see each other for the last time. Then, this morning at around 7am, Lala Aunor broke the sad news to me.

“Had I gone to visit him last Saturday... Maybe that was the reason why his face kept on flashing through my mind last week. Buboy and I were friends since we were kids and we shared so many adventures that’s why his passing is hurting me now. Magkababata kami eh,” ang nanghihinayang na statement ni Arnold.

Aktres malaki ang utang na loob sa make up

Magwawala ang aktres kapag nakita nito ang litrato niya na kumakalat at nilalait ng fans.

Hindi agad mamumukhaan ang aktres dahil  ibang-iba ang kanyang itsura  sa very unbecoming photo.

Walang make up ang aktres kaya haggard na haggard at ang tanda-tanda ng kanyang mukha. Buking tuloy na  malaki ang utang na loob niya sa make up dahil ito ang nagpapaganda sa mukha niya.

Nagkakaedad na rin ang aktres kaya halatang-halata na ito sa  kanyang problematic face. Dapat managot ang naglabas ng litrato dahil binigyan niya ng kahihiyan ang aktres na feeling pretty at desirable.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with