^

PSN Showbiz

Sharon nasobrahan ang pagpapa-cute?! Panggagaya ni Jose kay Digong, lumalaylay na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SCENE: May mga moment na sumosobra ang pagpapa-cute ni Sharon Cuneta sa The Voice Kids. Dapat maging maingat si Sharon para hindi magsawa ang televiewers na natutuwa sa mga ginagawa niya sa talent search show ng ABS-CBN.

SEEN: Hindi masyadong busy si Katrina Halili kaya may time siya na sagutin ang lahat ng mga tweet ng mga nanood ng pilot episode kahapon ng Sa Piling Ni Nanay.

SCENE: Naka-private mode na ang Instagram account ni Scarlet Belo dahil gusto ng kanyang tatay na si Hayden Kho, Jr. na protektahan ang privacy niya.  Complete protection and security ang maibibigay ni Hayden kay Scarlet kung ihihinto na niya ang paglalabas sa social media ng mga litrato at video ng kanyang anak.

SEEN: Headline ng 24 Oras noong Linggo ang video ng unang pagbisita ni Scarlet Belo sa dentista at ang paggamit niya ng toothbrush. 

SCENE: Matagal nang tapos ang eleksyon kaya gusto nang malaman ng fans ni Korina Sanchez kung kailan ito ibabalik ng ABS-CBN management sa TV Patrol.

SEEN: Pinakawalan na ng GMA Artist Center sina Enzo Pineda, Julian Trono at Winwyn Marquez dahil wala nang project na maibigay sa kanila.

SCENE: Lumalaylay ang segment ni Jose Manalo bilang Dugong Duterte sa Sunday PinaSaya kapag wala sina Barbie Forteza, AiAi delas Alas at Wally Bayola.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with