^

PSN Showbiz

Baste Duterte gwardyado na ng pitong PSG!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Wow pitong miyembro na pala ng PSG (presidential security group) ang nakabantay ngayon kay presidential son Baste Duterte. Medyo mataong lugar daw kasi ang favorite hang out si Papa Baste kaya kailangan niyang bantayan. May time daw kasing biglang nagba-bar hopping ang anak ng uupong presidente ng bansa. At hindi raw sa mga mamahaling bar, sa mga maliliit lang na ikinagugulat minsan ng mga nasa bar. Nakiki-jamming daw kasi ito. Mahilig umano ito sa music na common knowledge sa bar community.

Hindi naman daw ito pa-VIP at parang ordinary costumer lang. Basta nanggugulat na lang ito.

Pero kahit pa-simple ang pagpasok nito, pansin na pansin pa rin nga naman lalo na nga kung pitong PSG ang kasama niya. Malamang ang dalawa o tatlo sa PSG, advance party pa.

Kaya kahit daw gusto nitong magpaka-low key sa pag-a-unwind sa mga bar, hindi na puwedeng mangyari ngayon dahil simula sa a-uno ng Hulyo, nasa Malacañang na si President Digong Duterte.

At sa Sabado balitang makiki-jam si Baste sa gaganaping Fight Conference, ang kauna-unahang fight and conditioning convention in the country kung saan magsasama-sama ang local fighters from all over the metro to compete.

Bukod sa competition, magkakaroon din ng iba’t ibang activities sa nasabing Fight Confe­rence na gaganapin sa Amoranto, Saturday, July 2.

Meron silang special discounts and promos sa mga dadalo.

Magkakaroon din ng talks and demos by experts and professionals sa local full-contact sport scene and fighting community. Meron ding ink sessions, food booths at sa ending ay magkakaroon ng live performances by local bands and artists.

Ayon sa source, sa last part ng program sasali ni Baste dahil ang favorite niyang band na Queso ay kasama sa performers along with other bands like Intolerant, Skychurch and Gab Alipe.

Ang Origin 8 headed by Mr. Paul Gaw and Coach Vince Ramos (Spar­tacus Fitness and Martial Arts) ang organizers ng gaganaping first ever Fight Conference sa bansa.

Kris may kakaibang gagawin sa career?!

Nasa bansa na si Kris Aquino na dalawang araw na lang at tatawaging ex presidential sister na. Galing sa halos dalawang buwang bakasyon si Kris at mga anak na sina Josh and Bimby sa ibang bansa.

Pero kahit nasa abroad ang mag-iina at nag-relax, nanatiling updated ang lahat dahil sa social media accounts ni Kris.

Ang pinaka-latest na issue kay Kris na unang lumabas dito sa PSN ay ang sabi’y kumpirmadong pag-apir niya sa morning show ni Marian Rivera sa GMA 7 na ‘Yan ang Morning. Umano’y pumayag si Kris dahil kay Dingdong Dantes na nakatulong niya sa kampanya ni VP Leni Robredo noong eleksiyon. Definite na raw ang nasabing gues­ting ni Kris, hindi nga lang alam kung kailan eere.

Ito kaya ang tinutukoy na pasabog ni Kris o baka naman may iba pa sa pagbabalik-bayan niya?

Wala nang contract si Kris sa ABS-CBN kaya puwede naman siya sa GMA 7.  Pero pakakawalan ba siya ng ABS-CBN? Siguradong hindi . Kahit ang umiikot na kuwento ay two years contract lang ang gusto ng Kapamilya Network eh ang request daw ni Kris ay limang taon ang kontrata sa kanila.

Matapos maoperahan Claudine maaliwalas na uli ang hitsura

Maganda na uli ang aura ni Claudine Barretto. Hindi katulad two weeks ago na parang namamanas ang mukha niya base sa mga picture na ina-upload sa kanyang social media account.

Sa latest photo niya sa Instagram, parang all is well with Claudine. Ang nasabing photo ay para sa 12th birthday celebration ng panganay nila ni Raymart Santiago na si Sabina. Magkakasama silang tatlo sa isang picture. Bukod kay Sabina, meron din silang anak na lalaki, si Santino pero hindi nila kasama sa nasabing picture.

Ang balita ay inoperahan ang aktres sa leg dahil sa mataas na white blood cells.

Obviously, mabilis ang recovery niya at nawala na lahat ng worries niya kaya maaliwalas na ulit ang mukha ng actress. “I look at you and thank God because somewhere along the way, I realize I must have done something good to deserve you,” sabi niya tungkol kay Sabina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with