^

PSN Showbiz

Kwentuhang Pamilya ng MMK sa Madrid mapapanood sa buong mundo via TFC.tv

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang makabuluhang kuwentuhan ang magaganap sa kauna-unahang Kwentuhang Kapamilya ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa labas ng bansa, tampok si Ms. Charo Santos at sabay-sabay na mapapanood ng mga Filipino sa buong mundo mamayang 8 p.m. Manila time sa pamamagitan ng global online premiere nito sa TFC.tv

Ang kauna-unahang bahagi ng inspirational talk series na gaganapin sa Madrid, Spain ay parte ng ika-25 na anibersaryo ng MMK sa patuloy nitong pagsasalamin sa buhay ng mga Filipino.

Unang ipinalabas ang longest-running drama anthology sa Asya noong 1991 para ikuwento ang mga pangarap, sakripisyo at tagumpay ng mga manonood. Natunghayan rin ito sa radyo at sine, nabasa sa libro at napanood din sa subtitled version nito para sa mga non-Filipino speaking viewers ng The Filipino Channel (TFC).

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng MMK dadalhin nito ang kuwentuhan sa Madrid upang tuwirang maririnig ang mga kuwento ng mga Filipino at naway kapupulutan din ng aral ng mga manonood sa iba’t-ibang parte ng mundo sa pamamagitan ng official online service ng TFC, ang TFC.tv

Sa Kwentuhang Kapamilya, ang mga letter-senders mismo ang magkukuwento ng kanilang buhay, na papakinggan ni Ms. Santos bilang patunay sa prinsipyo nitong ang mga Filipino ang bida sa kanilang kuwento. 

Kabahagi sa unang serye ng inspirational talk series sina ABS-CBN Europe, Middle East at Africa Managing Director Kai V. Rodriguez at ang TFC team sa Europe, host na si Amy Perez, singer na si Jona at Filipino community leaders.

Sabay-sabay nating panoorin ang libreng global online premiere ng Kwentuhang Kapamilya ngayong Lunes, 8 p.m. via TFC.tv worldwide. Mapapanood naman ito sa Pilipinas sa pamamagitan ng mmk.abs-cbn.com.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with