^

PSN Showbiz

Jennylyn wala nang planong mag-renew sa GMA?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Malapit nang magtapos ang buwan ng Hunyo pero hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang magkabilang kampo sa pagitan ng GMA management at management ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na may kinalaman sa renewal of contract ng huli.

Noong isang buwan pa nag-expire ang kontrata ni Jennlyn sa Kapuso Network.  Although willing naman daw mag-renew muli ang nakabalikang kasintahan ni Dennis Trillo pero hindi pa umano tapos ang pakikipag-negotiate ng manager ni Jennlyn na si Becky Aguila sa GMA. May lumulutang na balita na may magandang offer din daw kay Jennylyn sa ABS-CBN bagay na pinag-aaralan ng management ng singer-actress.

Kamakailan lamang ay gumawa si Jennylyn ng pelikula with John Lloyd Cruz under Star Cinema, ang Just the 3 of Us. Ang Star Cinema ay film arm ng ABS-CBN.

Siya na kaya ang susunod kina Angel Locsin, Iza Calzado, Jake Cuenca, Paulo Avelino at JC de Vera?

Samantala, matapos niyang makatrabaho ang mga Kapamilya actors na sina John Lloyd, Jericho Rosales at Sam Milby, si Coco Martin naman daw ang susunod na ma­kakatambal ni Jennylyn sa panibagong movie na kanyang gagawin na balak ilahok sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Napakasuwerte naman ni Jennylyn dahil siya lamang ang Kapuso actress ang may  pagkakataon na makatrabaho ang mga top actors ng Kapamilya Network.

Alindog ni Jodi hindi na pansin nina Ian at Richard

Gaano man ka low-key ang dating magkasintahang Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa kanilang relasyon na umabot din ng apat na taon, hindi naman sila nagkait ng impormasyon sa pag-amin na hiwalay na sila. Pero hindi sila katulad ng ibang ex-couple na nagsisiraan sa publiko.

Ngayong balik sa pagiging single muli ni Jodi, mas focused ito ngayon sa kanyang trabaho, negosyo at sa pagiging ina ng kanyang kaisa-isang anak na si Thirdy.

Happy si Jodi being reunited with his two loveteams na sina Richard Yap sa Be Careful with My Heart at si Ian Veneracion sa Pa­ngako sa `Yo sa pelikulang The Achy Breaky Hearts na idinirek ni Antoinette Ja­daone for Star Cinema. 

Jerome excited makatrabaho ang crush 

Masaya ang young Kapamilya actor na si Jerome Ponce dahil kapareha niya ngayon sa isang project ang isa sa kanyang mga crush na si Loisa Andalio.

Hindi ikinakaila ni Jerome na mayroon siyang dalawang showbiz crush, si Loisa at ang GF ni Da­niel Matsunaga na si Erich Gonzales.

Ang 21-year-old young actor ay nakilala sa now-defunct morning TV series na Be Careful with My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with