^

PSN Showbiz

Marami na raw sinalihang contest, waging Miss Manila iniintriga agad!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Wagi ang Cum Laude from UST na si Cristelle Tolentino sa nakaraang Miss Manila 2016 na ginanap sa PICC kamakalawa ng gabi, kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Maynila.

Kaagad na inintriga ang 22-year-old Manileña dahil ang dami na rin daw pala niyang nasalihang beauty contest.            

Ang tsika, taga-Taytay daw talaga ito at hindi alam kung paano siya napadpad sa Maynila.

Sumali na raw siya sa Mutya ng Pasig noong 2014 at  naging third runner-up. Noong sumunod na taon ay sumali naman siya sa Miss Republic of the Philippines, pero wala siyang nakuhang title.

Kaya ang tanong nga ng netizens, pagkatapos niya sa Pasig, at dito sa Maynila, saan naman kaya siya sunod na sasali?

Pero successful at maayos ang presentation ng Miss Manila 2016 kung saan ang beneficiary ng naturang patimpalak ay ang Mare Foundation nina Dra. Loi Ejercito at Jackie Ejercito.

Ang dami na nilang natulungan sa mga mahihirap na lugar ng Maynila, kaya gusto nilang ituluy-tuloy pa ang pagtulong.

PAK: Mabilis na tinanggal ni Ervic Vijandre ang isang post niyang kuha sa set ng A1 Ko Sa ‘Yo.

Naka-shorts siya sa kuhang iyon kung saan nakaangat ang babang bahagi ng shorts kaya parang may nasisilip sa loob.

Ang daming nag-comment na may nasilip sila kaya nagtataka kami kung wala ba siyang suot na underwear.

Ganoon lang daw talaga sila ka-close sa set ng A1 Ko Sa’Yo kaya at home na at home ang Kapuso hunk sa taping ng naturang sitcom.

Bago niya natanggal, na-pick up na ito at naisama pa nga sa post ni Solenn Heussaff.

Pero lalo namang pinagnasaan si Ervic sa post niyang iyon.

BOOM: Mukhang malungkot ang mag-inang Bacoor Mayor-elect Lani Mercado at Cavite Vice Governor Jolo Revilla sa oath-taking ng huli na ginanap sa Holy Cross Parish Church sa Tanza, Cavite kamakalawa ng hapon.

Nabiro pa namin si Jolo na malungkot ito dahil nami-miss niya si Jodi Sta. Maria na hindi na niya kasama sa panunumpa. Three years ago, kasama pa niya ang Kapamilya actress sa lugar ding iyon, pero ngayon nga ay hindi na.

Napangiti lang ang reelected Vice Governor ng Cavite, dahil ang talagang ikinalungkot niya ay hindi niya kasama ang amang si Sen. Bong Revilla.

Ganun din si Lani na inip na inip na raw sa dalawang taong pagkaditene ng kanyang asawa.

Pahayag ng susunod na alkalde ng Bacoor, “Siyempre we always pray na nandito sana siya sa mahahalagang bahagi ng buhay namin. Last three years ago nandito pa siya sa amin at nag-oath pa kay Jolo at kay Jonvic Remulla, ngayon we missed him so much.”

Sabi naman ni Jolo, “Sabi ko nga kanina katabi ko si Gov. Jonvic, sabi ko nga ‘Gov., sa totoo lang sobrang lungkot ko kahit nakangiti ako dahil parang hindi kumpleto dahil wala ‘yung tatay ko.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with