^

PSN Showbiz

Hunk actor at pamosong male personality naninimot ng datung ng mga nakakarelasyon!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking pagtitipon sa showbiz ay nagsama-sama sa isang mesa ang mga sikat na babaeng personalidad. Natural, tao lang sila, kaya kahit pa kilalang-kilala na sila ay umaariba rin paminsan-minsan ang kagustuhan nilang maging reporter.

Malaki ang grupo, magkakaibang network ang pinagtatrabahuhan nila, pero sa likod ng mga camera ay nakapagbuo na sila ng masarap na pagkakaibigan.

May dumaang hunk actor, nilingon ng tropa ang aktor na ex ng isa nilang kasamahang artista, may nabuo na agad na kuwento ang magkakatropang tsismosa.

Sabi ng isang sikat na female personality sa kanyang mga kagrupo, “Remember, naging sila ni ____(pangalan ng isang aktres na parang nagpapalit lang ng damit kung makipagrelasyon), ‘di ba? Oooouuuucccchhhh!!!! Ang sakit ng nangyari sa girl!

“User ang guy na ‘yan, super-user siya! Kapag umaalis ang girl para mag-shoot sa ibang bansa, e, naka-ready na ang mahabang listahan ng mga stuff na ipabibili niya!

“Para siyang may pabaong dollars sa girlfriend niya, grabe siya, siya na lang yata ang ipagsi-shopping ng girl sa dami ng bilin niyang kagamitan!” tsika ng sikat na female personality na nasa umpukan.

Dumaan naman ang isang sikat na male personality, pinagpistahan ito ng mga sosyaling tsismosa, meron namang kuwento ang isa sa kanila tungkol sa pamosong aktor.

Ang nakakalokang kuwento ng famous female personality tungkol sa guwapong aktor, “OMG! Iba ang ugali n’yan! He’s so conceited! Ang feeling niya, e, gift siya ng langit to all women! He’s a teaser!

“Mahilig siyang magpa-cute, iti-tease niya ang girl, kapag pumasok sa kadramahan niya, ‘yun na! Ex niya ang isang friend ko, user friendly rin siya, nabutas kaya ang bulsa ng friend ko sa kanya!

“Mahilig siya sa mga branded stuff, magastos siyang maging boyfriend, pagsi-shopping spree ang paborito niyang hobby,” kuwento ng mestisahing-sosyaling babaeng personalidad.

May kasunod pa ang mga kuwentong ito bukas. At meron nang mga clue kung sinu-sino sila.

Ubos!

Kris parang walang bukas kung gastusan at asikasuhin ang mga anak sa ibang bansa

May mga kaibigan kaming nakakita kay Kris Aquino at sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Beverly Hills habang nagsi-shopping. Sa bawat pasuking branded shop ng mag-iina ay siguradong may mga bitbit silang malalaking paper bag ng kanilang mga pinamili.

Hindi naman kataka-taka ‘yun, may kapasidad na gumastos si Kris, at ang pinakamahalagang punto ay pinaghirapan niya ang kung ilang milyon mang ginastos niya sa pagsi-shopping.

“Ibang klase siya, splurge kung splurge ang mag-iina! Sa isang branded shop ng T-shirts, talagang para lang siyang namimili ng candy. Lahat ng colors, lahat ng style, meron ang mga anak niya.

“Pakuha lang siya nang pakuha ng stocks, pa-swipe lang siya nang pa-swipe ng card niya. Grabe palang mag-shopping si Kris at ang mga anak niya!” manghang-manghang kuwento ng aming source.

Hanggang sa kinainang restaurant ng mag-iina ay sinundan sila ng ating mga kababayan. Bago raw pala kumain si Kris ay una muna niyang inaasikaso sina Joshua at Bimby.

“Nakakatuwa siyang tingnan, nanay na nanay talaga siya. Hands-on mom si Kris, ine-explain pa niya kina Josh at Bimby kung bakit kailangan nilang kainin ang mga food na inorder niya for her kids.

“Masusuwerte ang mga anak niya. Pampered na sila, inaasikaso pa ng mommy nila. Biglang nagbago ang tingin ko kay Kris. Ayoko sa kanya dati, pero ngayon, like na like ko na siya,” kuwento pa ng kaibigan naming dekada nang naninirahan sa Amerika.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with