^

PSN Showbiz

Kahit parehong forever ang nararamdaman ,lolo ni Liza hindi pa aprub si Enrique!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aprubado na ng ama ni Liza Soberano ang pakikipag-date ng aktres kay Enrique Gil. Mayroon lamang daw mga ibinilin ang ama ng dalaga. “Sabi niya sa akin na, ‘Know your priorities,’” nakangiting bungad ni Liza.

Wala pa mang label ang relasyon nina Enrique at Liza ngayon ay umaasa naman daw ang aktres na ang binata na ang kanyang magiging forever. “Sana,” giit ni Liza.

Ayaw ng lolo ng dalaga na magkaroon ng karelasyon si Liza hanggang umabot ng 23 years old ang aktres. Wala namang problema kay Enrique kahit may mga kondisyon ang pamilya ni Liza dahil nararamdaman din ng aktor na ang dalaga na ang kanyang magiging ‘forever’. “Papunta na roon. Napi-feel ko na kasi matagal na rin kaming nagsasama. Ang pangit naman na kami ang nagpauso nitong forever, tapos kami iyong hindi magkaka-forever,” paliwanag ni Enrique.

Matatandaang sinabi ng aktor sa isang pahayag kamakailan na parang opisyal na raw ang kanilang relasyon ni Liza. “Parang gano’n na nga rin. Parang kami na pero siyempre you have to respect her family first,” makahulugang pahayag ng aktor.

Matteo tanggap ang pagiging third wheel

Kamakailan ay napabalita ang tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Sarah Geronimo. Nagbigay ng pahayag ang talent manager ng Popstar Princess at ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario at pinabulaanan ang tungkol sa isyu.

Hindi man nagbigay ng detalye ay inamin naman ni Sarah na mayroon siyang sakit at kinakailangang magpahinga ng ilang buwan.

Ngayon ay ang kasintahan ng aktres na si Matteo Guidicelli naman ang nagbigay ng reaksyon tungkol dito. “Nakarating nga sa akin ‘yung balita and buntis daw siya. That’s not true at all,” giit ni Matteo.

Ayon sa aktor ay talagang may karamdaman ang kasintahan at kinakailangang tumigil muna sa trabaho upang umayos ang kondisyon nito. “She was just feeling really bad the past few weeks like fever or something pero nothing serious. She just needs to rest,” pagbabahagi ng binata.

Samantala, kababalik pa lamang ni Matteo sa bansa mula sa Europe Tour kung saan nakasama ng aktor sina Bea Alonzo, Enchong Dee, Enrique Gil at Liza Soberano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with