^

PSN Showbiz

Pinakamahal na Hermes sa mundo Marian at Heart, sabay nagkaroon ng bag na nagkakahalaga ng P20 million?!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Well, may bagong issue kina Heart Evangelista at Marian Rivera.

Sino ba talaga sa kanila ang unang nagkaroon ng pinaka-expensive na Birkin bag na Hermès Himalayan crocodile?

Ang personal online shopper ni Marian ay nag-post sa Instagram: “Months and months of waiting finally paid off. You just can’t imagine my happiness when I got the call telling me that our order is ready to be picked up. She’s here. The holy grail of all exotic leathers. Store fresh. The most beautiful deserves the MOST beautiful bag EVER.”

Si Heart naman ay nakitang bitbit ang ganun ding kulay at klase ng bag nang minsang mag-post siya kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero.

Kaya ayun nagtatalo-talo na naman ang fans nila kung sino nga ba talaga ang unang naka-aquire ng nasabing bag na nakakahilo ang presyo, pramis.

Ayon sa report ng Vogue.com ang Hermès Himalayan crocodile Birkin bag na ito ay nagkakahalaga ng $432,000 (tama ba na P20,296,440.00). Yup, you read it right. At ayon sa nakausap ng Vogue na isang bag expert – bag’s retailer at isa sa mga authority sa mga collectibles ng Hermes na si Jane Finds, ang bag na ito ay para sa mga highly respected clients ng Hermes.

“The 30-centimeter diamond Himalayan Birkin is possibly the rarest and most desirable handbag in the world. This bag is made of Nilo crocodile, rendered in a subtle coloration that is meant to evoke images of the majestic Himalayan mountains. This dyeing process is painstaking and takes many hours to complete—the lighter the hue, the more difficult the process. The color pairs perfectly with 18-karat white gold hardware, which is itself studded with white diamonds. The cadena lock alone is comprised of 68.4 grams of 18-karat white gold and encrusted with 40 white round brilliant diamonds, totaling 1.64 carats. On the bag, three different structural elements of the Birkin—the Touret, the Pontets, and the Plaques de Sanglons—feature more than 200 diamonds for a total of 8.2 carats. This is arguably the rarest, most spectacular, and most jaw-dropping Birkin to ever be made, and it is likely the only time a bag of this caliber will be offered on the luxury resale market,” sabi ni Jane Finds sa naturang interview na lumabas pa last year sa online version ng Vogue.

Nabanggit pa sa interview na meron din naman $300,000 na ganitong bag dahil kakaiba raw talaga ito at maituturing na “timeless piece of art, will be in style forever, and is something a woman will cherish her entire life and then pass on to future generations” sabi pa niya.

So ganun pala talaga kamahal ang nasabing bag.

Although sa nakalagay na halaga na $432,000 na version may diamonds ang Himalayan na lumabas sa Vogue.com. Eh ‘yung kina Heart and Marian, parang wala akong nakitang diamonds kaya siguro mas cheaper ang version ng sa kanila.

Kung sabagay, pareho namang madatung sina Heart at Marian kaya keri nilang bumili ng mga ganitong klase ng bag. Hindi nga naman nila mabibitbit ang santambak nilang datung.

Parehong collector ng ganitong mamahaling bag ang dalawa.

Si Marian nga bukod sa Himalayan crocodile, meron din siyang Ombre b25 na Hermes. Siyempre, sobrang mahal din ng bag. Ayon sa online shopper ni Marian rare din ang ganitong klase ng bag: “It’s too intricate. It’s all in the details. A better view of @therealmarian’s ombre b25 (photo of the bag). Excuse my flooding for today I just am over the moon seeing these two babies together. You rarely see that but of course for the queen nothing is impossible!”

Nakikitang bitbit ni Marian ang nasabing bag (sa photo kasama ang mag-ama niyang Dingdong at Zia).

Nabasa ko naman sa isang website na ang kay Heart daw, nagkakahalaga lang ng $150,000 (P7,047,375.00) ang version ng kanyang Himalayan.

Grabe nakakalokah rin ang presyo ng mga bag na ‘yan.

Teka, alam kaya ng mga mister nila kung magkano ang halaga ng ganitong bag? Charot lang? Hahaha.

Si Jinkee Pacquiao kaya kelan makikitang may ganitong bag?

Anyway, compute n’yo na lang uli ha. Kasi nang mag-compute ako ‘di ko sure kung tama ba ang nakita kong halaga. Hahaha. Or kung walang diamonds baka nga mas mura ng mga P10 million.

Hay ganun pa man. Sa buong buhay siguro ng karaniwang tao tulad ko o tulad natin, hindi tayo makakahawak man lang ng ganitong bag.

Unless makita ko sila pareho at maglambing na puwedeng pa-barrow ng 3 minutes lang para makapagpa-picture na hawak ang nasabing bag. Hahahaha.

Hmmm. Magandang idea. Why not? ‘Yan ay kung ipahihiram nila.

Pati anak muntik ma-kidnap, Dawn Zulueta matagal nang binabantaang papatayin!

Social media ba ang dapat sisihin kung bakit muntik nang ma-kidnap ang anak nina Dawn Zulueta at Cong. Anton Lagdameo? May death threats din umano ang mag-asawa at minsan na ring ‘binisita’ si Dawn ng mga hindi kilalang kalalakihan sa kanyang taping?

Kung wala kasing social media baka hindi masyadong namamanmanan ang kilos at galaw ng kanilang pamilya. Nagiging familiar din kasi ang mga may masasamang plano lalo na sa celebrities dahil sa pagiging aktibo nila sa social media.

Idinulog na umano nila sa NBI ang mga nasabing pangyayari.

                                                                                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with