PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pia mas seksi pa, Pauleen pinababayaan na ang katawan kahit wala pang anak

Pia Guanio at Pauleen Luna

Ang laki ng pagkakaiba nina Pia Guanio at Pauleen Luna kapag magkatabi sa screen ng Eat Bulaga.  Nanatiling payat at sexy si Pia sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng isang anak habang si Pauleen naman ay pataba nang pataba kahit wala pa itong anak sa mister niyang si Vic Sotto.

Tiyak na lalong lolobo si Pauleen kapag ito’y nabuntis.

Napakaganda ng mukha ni Pauleen na tila nagiging pabaya naman sa kanyang katawan.

Regal movie bubuhayin sa GMA

Nakapag-story conference na ang sisimulang afternoon TV series sa Kapuso Network, ang TV remake ng 1992 hit movie ng Regal Films na Sinungaling Mong Puso. Pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Muhlach, Aiko Melendez at Alice Dixson ang pelikula na idinirek ni Maryo J. delos Reyes mula sa script ng writer-director na si Jose Javier Reyes.

Ang TV remake ng Sinungaling Mong Puso ay tatampukan ng mga Kapuso actors na sina Rhian Ramos, Rafael Rosell, Kiko Estrada at Jazz Ocampo na nakatakdang idirek ng actor-director na si Ricky Davao.

Ian at Robin natitirang matibay sa mga lumang aktor

May isa namang bagong TV series na sinimulan ang ABS-CBN, ang Never Ever Say Goodbye na pinagtatambalan nina Jericho Rosales at Arci Muñoz na tinatampukan din nina John Estrada, Rita Avila, Lito Pimentel, Marco Gumabao at Jomari Angeles.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isa ring bagong drama series ang pinagsasamahan naman nina Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion na pamamahalaan ni Jerry Lopez Sineneng.

Bagong kumbinasyon sina Jericho at Arci, ganoon din naman sina Bea, Iza at Ian na in full circle ang ginawang pagbabalik sa showbiz. Among the action stars, sina Robin Padilla at Ian lamang ang nanatili sa starring status habang ang iba nilang mga kasamahang action stars ay na-delegate sa mga supporting role at karamihan pa sa kanila ay wala pang ibang projects.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: