Enchong singharot ni Balang gumiling! LJ naging choosy nang maging dyowa si Paolo; Julia pahinga na sa pagbibida!
SEEN: Nakabalik na si Richard Gomez mula sa show nila ni Joey Albert sa Vancouver, Canada. Ang crash course niya na Prepare U Training on Local Governance sa UP National College of Public Administration dahil siya ang bagong halal na mayor ng Ormoc City ang pinagkakaabalahan ni Richard sa kasalukuyan.
SCENE: Nag-aral din sa UP National College of Public Administration sina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at House Representative Alfred Vargas nang mahalal sila na mga public servant.
SEEN: Kasing-harot ng pagsasayaw ni Enchong Dee sa Kapamilya show sa Mitsubishi Theater sa Dusseldorf, Germany ang Trumpets Challenge dance number ni Balang sa presscon ng Conan, My Beautician ng GMA 7.
SCENE: Hindi kawalan sa Gawad Urian kung hindi dumalo kagabi sa awards night sa Kia Theater ang best actress nominee na si LJ Reyes.
SEEN: Naging mapili na si LJ Reyes sa mga role na gagampanan buhat nang maging girlfriend siya ni Paolo Contis. Sinabi ni LJ na malaki ang iginaan ng buhay niya dahil kay Paolo.
SEEN : Si Ian Veneracion ang lead actor sa The Second Wife, ang upcoming teleserye sa ABS-CBN nina Bea Alonzo at Iza Calzado.
SCENE: Si Jerry Sineneng ang direktor ng The Second Wife. Supporting cast sina Enchong Dee, Vin Abrenica, Tirso Cruz lll at Julia Barretto.
SEEN : Tulad ng My Bebe Love na first movie ng AlDub, unang nag-promote kahapon sa Cebu City ng Imagine You & Me sina Alden Richards at Maine Mendoza.
- Latest