PSN Home Skinning Left , pagematch: 1, sectionmatch:
PSN Showbiz ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jasmine hindi makapaniwalang magiging anak ni Ate Vi

Jasmine Curtis-Smith

Hindi raw halos makapaniwala si Jasmine Curtis-Smith nang mabalitaan na makakasama niya sa isang pelikula si Vilma Santos. Gustung-gusto raw ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na mga beteranong artista ang makasama sa mga proyektong ginagawa dahil marami siyang natututunan mula sa mga ito. “Actually when we had a meeting, nagulat ako na siya ‘yung binanggit na aktres. Sabi ko, ‘Are you sure about this? My gosh! Naka-work ko na si Superstar (Nora Aunor), tapos nga­yon ka-work ko naman si Ate Vi na favorite ni mommy. I was beyond happy not only for myself but naisip ko, my gosh, my mom will definitely come home for this. Ako, swerte ko lang. I’m very thankful,” pagbabahagi ni Jasmine.

Matatandaang nakasama ng aktres si Nora Aunor sa independent film na Dementia noong 2014.

Ngayon ay posibleng anak daw ng Star for All Seasons si Jasmine sa bagong pelikulang gagawin ni Direk Quark Henares. “I’m happy kasi that’s always been my goal. I want to be known as an actress, not just for my name or the sister or just another talent,” giit ng dalaga.

Beauty maraming insecurities nang maging nanay

Noong isang taon ay pansamantalang iniwan ni Beauty Gonzales ang show business dahil sa kanyang pagbubuntis. Nanganak ang aktres noong February.

Matatandaang naging kontrobersyal ang biglang pagkawala ng karakter ni Beauty  sa teleseryeng Ningning. Ngayon ay kasama ang aktres sa pelikulang The Achy Breaky Hearts na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Ian Veneracion.

Hindi raw inakala ni Beauty na muli siyang makababalik sa trabaho pagkatapos niyang manganak. “Akala ko hindi na ako makakabalik. Hindi ako nanghihinayang na nabuntis ako dahil ang sarap maging nanay. May kaunting panghihinayang. Hindi naman iyan nawawala sa atin,” pagtatapat ni Beauty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa aktres ay ibang kaligayahan ang naidudulot sa kanya bilang isang ina ngayon. “Parang feeling ko may purpose na ako in life. I feel so complete. Ang sarap, sarap maging nanay,” dagdag pa niya.

Ngayong unti-unti nang nakapagtatrabaho muli ang aktres ay hindi na muna nila pinaplano ng kasintahang si Norman Crisologo ang pagpapakasal. “Gusto ko munang gawin ito habang may ino-offer sa akin. I want to fill up my own cup first before marriage,” giit ni Beauty.

Aminado ang aktres na nakararamdam siya ng pagka-insecure mula nang magkaroon ng anak. “As a mother, may mga insecurities tayo. ‘Do I look good? Kaya ko pa ba itong work? Kaya ko bang iwanan ang anak ko? May maniniwala pa ba sa akin?’ Kasi hindi naman maganda ang pagka-exit ko. Hindi mo rin kasi alam kung anong mangyayari sa iyo eh, kung tatanggapin ka ba ulit. Siyempre nabuntis ako, kaya takot ako. Pero I’m so happy at naalala pa rin ako ng mga taong nagmamahal sa akin,” paliwanag ni Beauty.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us:
PSN Home Skinning Right, pagematch: 1, sectionmatch: