^

PSN Showbiz

Cacai ayaw nang makita ni Ahron Villena!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Masahol pa sa bading ang tawag kay Cacai Bautista dahil minahal niya si Ahron Villena, kahit pinagdududahan ang pagkalalaki nito.

Hindi kasalanan ang magmahal at naging prangka lamang si Cacai sa pralala nito na mahal niya si Ahron pero nag-move on na siya.

Napagtanto kasi ni Cacai na mas mahal nito ang sarili kesa sa mhin na hindi na niya ma-follow sa Instagram dahil naka-block na siya.

Nakakatikim ng mga panglalait si Cacai mula sa mga nagsasabi na hibang siya pero kahit baligtarin man ang mundo, hindi puwedeng i-deny na mga macho guwapito ang mga nali-link sa kanya, si Ahron at ang Thai actor na si Mario Maurer na parehong makikinis at mapuputi na isa yata sa mga weakness ng co-star nina Mark Herras at Megan Young sa Conan, My Beautician.

Kahit blocked siya sa social media accounts ni Ahron, tuloy ang pag-ikot ng mundo ni Cacai na hindi nawawalan ng pag-asa na darating ang mhin na karapat-dapat sa kanya. Sa true lang, sa tipo ng beauty ni Cacai, mga foreigner ang tiyak na magkakagusto sa kanya at pakakasalan siya.

Mark gaya-gaya sa lakad ni Winwyn

Effective si Mikael Daez sa bading role nito sa Ismol Family pero never na pinagdudahan ng kanyang girlfriend na si Megan Young ang sexual preference niya.

Megan should know dahil maraming taon na rin ang binibilang ng love affair nila ni Mikael. Kung talagang natunugan o naamoy niya na malansa ang kanyang boyfriend, matagal nang nakipaghiwalay si Megan na hindi naman magiging Miss World noong 2013 kung hindi siya matalino at manhid.

Tinanong si Megan tungkol kay Mikael dahil isang tunay na mhin na nagpanggap na bading ang role ni Mark Herras sa Conan, My Beautician.

Lead stars ng bagong sitcom ng GMA 7 sina Megan at Mark kaya puro tungkol sa mga kabadingan ang napag-usapan sa presscon ng Conan, My Beautician.

Dati nang nagkasama sina Megan at Mark sa ilang mga programa ng GMA 7 dahil pareho sila na mga produkto ng StarStruck kaya at home na at home na ang dalawa.

Si Megan pa nga ang nagbuking sa entertainment press na si Winwyn Marquez ang inspirasyon ni Mark sa bading role nito. Kung panonoorin ninyo ang Conan, My Beautician, mapapansin daw na gayang-gaya ni Mark ang pagla­lakad ng kanyang girlfriend.

Bomb threat kay Alden ilalapit sa NBI

OA as in overacting na ang fans na nagdidikta sa mga dapat gawin ng kanilang mga hinahangaan na artista.

OA rin ang mga tagahanga na nagbabanta sa buhay ng mga showbiz personality na hindi dapat i-ignore dahil baka seryosohin nila ang kanilang mga pananakot.

Postponed ang June 25 concert ni Alden Richards sa San Fernando, Pampanga dahil sa bomb threat.

Ayaw naman ng mga produ ng concert na ilagay sa kapahamakan ang buhay ni Alden at ng audience kaya nag-decide sila na i-postpone ang concert at ilipat ito sa ibang petsa.

Ang dinig ko, baka humingi ng tulong sa NBI ang organizer ng concert para matunton ang may pakana ng bomb threat.

Wish ko lang, mahuli ang suspect para maturuan siya ng leksyon dahil sa perwisyo na kanyang ginawa. Hindi na siya natakot na puwedeng bumuwelta sa kanya ang mga katsipan niya. Nasa paligid lang ang karma chameleon ‘no.

Thank you Aries!

Mama Salve muntik ko nang makalimutang pasalamatan ang aking new bestfriend na si Aries Razal, ang trusted online seller ng maraming artista at fashion consultant. Gustung-gusto ko ang dalawang branded slippers na ipinadala niya sa akin.

Alam na alam niyang hindi ako nagsasapatos kahit pa nagni-ninang ako sa mga kasal. Kahit anong ganda ng sapatos, wa ko ‘yan feel noh. Mas gusto ko ang mga tsinelas lang dahil hindi nasasaktan ang paa ko at hindi ako nagdudusa sa paglalakad. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng paltos sa paa para lang magmukhang matangkad.

Maligaya na ako sa tsinelas lang.

Kaya thank you Aries sa uulitin.

Ex nina Ryza at Alexis, maraming ‘liihim’

Naku buti naman at personal kaming nagkakilala kahapon ni Alexis Navarro. Singer at lumalabas-labas na sa indie films at TV shows sa TV5 si Ale­xis. Siya ang ex ng naging ex din ni Ryza Cenon na si Chef Tristan Encarnacion.

At gulat na gulat ako dahil marami akong nalaman tungkol kay Tristan na inaya palang pakasal si Alexis pero hindi natuloy dahil nga nagka-problema na sila.

Pero ang natawa ako ay nang ikuwento ni Alexis na binawi ni Tristan ang engagement rin na ibinigay sa kanya.

Contract star si Alexis ng Viva kaya asahan natin na bobongga ang career niya paglabas ng bagong album niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with