^

PSN Showbiz

Lovi naglalagalag!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maituturing nang reyna si Lovi Poe ng Kapuso network. Paano, sa balikat niya ipauubaya ng network ang pagpapalago ng GMA Pinoy TV. Siya ang magsisilbing mukha ng GMA sa mga event nito sa abroad. Magsisilbi siyang kinatawan ng network sa 118th Independence Day cele­bration ng bansa na magaganap sa Dubai World Trade Center sa buwan ng Hunyo.

Pangungunahan din niya ang maraming aktibidad ng GMA sa maraming bansa sa labas ng Pilipinas na nag­la­layong ipakilala ang network sa mga Pilipino na nasa abroad. Sasamantalahin niya ang panahon na wala pa siyang serye sa Kapuso Network at pagsasabayin ang pagpapalaganap ng network  at pamamasyal na never niyang na-enjoy noong una.

Barbie tanggap na hindi pinatos ni Andre

Nang magkarelasyon si Barbie Forteza kay Kiko Estrada, tinanggap ng mga tagasubaybay nila’t fans ni Andre Paras na wala silang ma­asa­hang romansa sa dalawang pinagtatambal ng GMA. Mas tanggap nilang loveteam lang ang dalawa kaysa real life couple.

Ganito rin ang pwede nilang asahan kay Yassi Pressman dahil may isang non-showbiz guy itong idini-date. Trabaho lang pala ang pwedeng ibigay ng Viva loveteam sa isa’t isa.  Wala namang problema dito ang fans. Kaysa naman pilitin nilang magkunwari ang dalawa, hayaan na nila kung sino talaga ang gusto nila.

Pero, sigurado maaapektuhan nito ang pagpapareha kina Andre at Yassi. Hang­gang sa screen lamang pwede ang roman­sa ng magandang babae at matangkad na actor na nababalita naman may non showbiz GF.

Gina hindi tinatantanan sa pagkukumpara kay Jaclyn

Talagang pinangangatawanan ni Gina Alajar ang pagiging kontrabida niya sa Magkaibang Mundo na mapapanood sa hapon ng GMA.

Bagaman at hindi sing-bagsik ng mukha ni Jaclyn Jose ang mukha niya, nagagawa niyang inisin ang mga manonood ng serye sa mga ginagawa niyang pagpapahirap kay Assunta de Rossi. Magkatulong sila ni Rez Cortez at dalawa nilang anak na babae sa gawaing ito.

Ngayon nabigyan ng recognition ang pag-arte ni Jaclyn sa katatapos na Cannes Film Festival. Doble ang kinakailangang effort na ibigay ng magaling na direktor sa kanyang pagbabalik sa pag-aartista at main kontrabida ng Magkaibang Mundo.

Sinimulan na ang paglalagay ng isyu sa pagitan nila ng nanalong artista sa Cannes, nasa kanya na kung maitata­wid niya ng matagumpay ang pagganap sa role ng kontrabida na kung saan ay nakilala si Jaclyn habang siya ay ngayon lamang susubok sa genre na ito. Mapagtagumpayan kaya niya ito o manatili na lamang na second fiddle sa nanay ni Andi Eigenman?

Bong at Lani lalo pang tumitibay ang relasyon kahit hindi magkasama

Masaya sa kanyang kinapipiitan sa PNP Custodial Center si Sen. Bong Revilla dahil sa patuloy na pananagumpay kundi man sa pulitika ay sa personal nilang mga buhay ang pamilya niya. Nahalal si Lani bilang mayora ng Bacoor kapalit ang kapatid ni Bong na si Strike Revilla na na-elect sa Kongreso. Bise gobernador naman ng Cavite ang anak nilang si Jolo Revillla.

Nagkita-kita ang asawa’t mga anak ng senador at na-witness namin kung gaano sila kasaya sa pagkikita nila.

It was Bong and Lani’s  30th wedding anniversary at hindi naging hadlang ang pagkakapiit ni Bong para hindi magkaro’n ng masayang selebrasyon ang pamilya. Duma­ting din si Inah Revilla na kasama ang asawang si Vince del Rosario. Ipagpapatuloy ni Inah ang kanyang pag-aaral ng abogasya sa pasukan at suportado siya ng pamilya niya, lalo na si Bong na ang mga nakakabatang anak ay malapit na ring matapos sa kolehiyo.

Daniel at Erich hindi minamadali ang kasal

Maganda at wholesome ang Be My Lady ng couple na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Kitang-kita sa kanilang pagpo-portray ng kanilang mga role bilang nagliligawan sa serye na tamang-tama  lamang at safe  para sa maraming  kabataang nanonood sa oras na ipinalalabas ito sa tanghali.

Hanggang sa Oktubre pa mapapanood ang serye at mala­mang nakatapos na ito pero, hindi pa rin nagpapa­kasal ang dalawang major stars nito

“May napag-uusapan na rin kami pero, hindi pa this soon,”  anang dalawang ini-enjoy pa ang kanilang pagiging mag-boyfriend. Sa halip naka-focus sila sa kanilang work.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with