^

PSN Showbiz

Pagkatapos makuha ang P1.5-M na TF, kilala at magaling na aktres nagpapalusot na sa shooting!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Swak na swak ang hashtag na #ChangeIsComing dahil sa pagpasok ng bagong pangulo na­ting si Mayor Rodrigo Duterte. Marami ang inaasa­hang pagbabago sa ating bansa at napaka-positive ng da­ting nito sa ating mamamayan.

Isa sa may malaking pagbabago ay ang buhay ni Cong. Mark Villar dahil sa pagdating ng kanyang first baby na si Emma Therese.

Pinili niyang huwag tumakbo bilang senador nung nakaraang eleksyon dahil sa mas gusto niyang magkaroon siya ng sapat na panahon sa first baby nila ni Cong. Em Aglipay-Villar.

Pero may mas malaking pagbabago pa sa kanya dahil sa binigyan siya ng incoming President Duterte ng bagong position bilang Secretary ng Department of Public Works and Highway.

PAK: Totoo kayang may panibagong rek­lamo na naman sa kilala at magaling na aktres mula sa producer ng isang indie film na gagawin niya?

Ang dinig namin, tumataginting na 1.5 million pesos ang talent fee nito at sa totoo lang, napakalaki nito para sa isang indie film na napakatipid ng budget.

Ang request daw ni magaling na aktres, ibigay na sa kanya buo ang talent fee dahil tuluy-tuloy naman daw ang shooting. Kaya binigay naman ni produ dahil wala naman silang magagawa kundi sundin ang hiling nito. Pero ang nangyari, nag-shooting lang si aktres ng isang araw sa isang out of town location, at ang sumunod ay hindi na siya available.

Kailangan na raw niyang bumalik ng Maynila dahil may aasikasuhin pa. Na-pack up ang shoo­ting ng pelikula at hanggang doon na lang. Wala nang kasunod na shooting dahil wala nang binibigay na schedule si aktres. Ilang buwan na silang naghintay, waley pa rin. Kaya pinag-iisipan na rin ng producer na kasuhan ito. Hindi na raw nila alam kung itutuloy pa rin nila ang pelikulang ito.

BOOM: Hindi kami sinagot at ngiti lang ang sukli ni Jomari Ylla­na nang tinanong namin ang pagkaka-link sa kanya ng isang kilalang aktres.

Hindi namin mabanggit ang kung sino ito kasi hindi pa malinaw kung ano ba talaga ang civil status ni aktres. Alam naman ng karamihang taga-showbiz ang kalagayan ng relasyon ni aktres sa dating asawa, pero tahimik lang sila. Kaya parang asiwa kung ma-link sila ni Jomari.

Sabi naman ng aktor, naging magkaibigan silang dalawa, pero sa isyung sila na ngayong dalawa, hindi raw niya masasagot. Basta masaya naman daw siya sa ngayon at single raw siya. Mas focus daw muna siya sa ngayon sa bagong responsibilidad niya bilang konsehal ng district 1 ng Parañaque.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with