^

PSN Showbiz

Andre may itinatagong long-time GF, binuko ni Yassi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Makabawas kaya sa kilig ng YanDre fans ng love team nina Yassi Pressman at Andre Paras ang inamin ni Yassi na pure friendship ang namamagitan sa kanila ni Andre? Inamin din nitong she’s dating a non-showbiz guy na hindi na pinangalanan.

Nabalitaan naming matagal nang may non-showbiz GF si Andre at kung totoo, ang husay niyang magtago dahil hanggang ngayon, hindi pa nakikilala ng mga reporter.

Na-interview si Yassi sa presscon ng PhilPop 2016 na kung saan, siya ang Interpreter ng composition nina Mike Villegas at Brian Cua na Du­madagundong. Magkalaban sila ng sister niyang si Issa Pressman na kasama ang Viva group na Sugar and Spice, interpreter naman ng Baliw Sa Ex-Boyfriend Ko ni Joan Da.

Sobrang saya ni Yassi na sa kanya napunta ang Dumadagundong dahil perfect song daw ito.

Na­nga­ko itong gagawin ang lahat na maipanalo ang song sa grand finals sa July 23 na gagawin sa Kia Theater.

Nasa cast din pala si Yassi ng Viva Films movie na Camp Sawi at sa June, magsu-shooting sila nina Arci Muñoz, at Andi Eigenmann sa Bantayan Island sa Cebu. Hindi kinumpirma ni Yassi ang tsika na si Piolo Pascual ang leading man nila rito.

Pagsasamahang sitcom nina AiAi at Vic kasado na

Parang kinumpirma na ni AiAi delas Alas ang pagsasamahang sitcom nila ni Vic Sotto sa post niya sa Instagram (IG) na “Soon yehey....Salamat LORD sa blessings...#aisingrepublic.”

Balita kasing ang sitcom nina Vic at AiAi ang ipapalit sa magtatapos ng Vampire Ang Daddy Ko at give away ang hashtag na ginamit ni AiAi.

Sabi, hanggang this May na lang ang Vampire Ang Daddy Ko, kaya malapit nang mapanood sa isang sitcom sina Vic at AiAi. May mga narinig kaming Kapuso stars na nagwi-wish makasama sa show.

Bayani paboritong kasama ni Jinggoy pag pasko

Nakausap ng press si Bayani Agbayani sa press preview ng Tatay Kong Sexy at kinuwento kung paano nagsimula ang friendship nila ni Sen. Jinggoy Estrada. Noong nakakulong pa ang senador sa V. Luna, naisipan nila ng asawang si Lenlen na dalawin ito noong isang Christmas Eve dahil baka raw wala itong kasama at malungkot.

Na-appreciate ‘yun ni Sen. Jinggoy at mula noon, madalas na siyang dalawin nina Bayani. Nang makalabas si Sen. Jinggoy, hindi na nagpakita si Bayani at naisip na masaya na ang senador. Pero hinanap at ipinatawag siya ng senador at sinabihan na every Christmas Eve, sa bahay nito sila magsi-celebrate ng kanyang pamilya.

Nasusunod ‘yun hangaang ngayon at ang dasal ni Bayani, sa 2016 Christmas Eve, sa bahay na nila magsi-celebrate ng Christmas Eve si Sen. Jinggoy, pati na si Sen. Bong Revilla.

Nabanggit din ni Bayani na pinapunta siya sa press preview ng Tatay Kong Sexy na showing sa June 1 at kung saan, kasama siya sa cast.

Bagay na pang-Father’s Day presentation ang pelikula sa direction ni Joey Reyes dahil ipapakita kung paano naging ama ang biyudong si Paquito (Jinggoy) sa tatlong anak.

Anyway, pinatawa ni Bayani ang press people sa sinabing may advantage rin ang presscon na wala ang lead stars dahil ang mga katulad nila ni Dominic Roque ang napansin ng mga reporter. Silang dalawa lang ang present sa press preview, kaya silang dalawa ang in-interview.

Dati raw, ‘pag dumadalo siya sa presscon, walang masyadong nag-iinterview sa kanya at nagbiro pang minsan, sinisipa siya ng press people. Pero that night, bidang-bida siya, kaya masayang-masaya siya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with