^

PSN Showbiz

Alden at Maine huhusgahan na kung papatok din sa pelikula!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza lamang ang kaisa-isang loveteam na nagsi-celebrate ng kanilang monthsary at nasa ika-10th month na sila last May 16.  On July 16 ay first anniversary ng team-up nila at bilang regalo sa kanilang mga tagahanga ay isang pelikula ang kanilang handog, ang Imagine You & Me na kinunan pa sa Como, Italy at pinamamahalaan ni Mike Tuviera at joint venture ng APT Entertainment at GMA Films.

Kapag naipalabas ang pelikula, dito ngayon mapapatunayan kung magiging box office hit ang kanilang pelikula na silang dalawa mismo ang mga pa­ngu­nahing bida kasama ang nakababatang kapa­tid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis.

Samantala, nakatulong ang kanilang almost month-long shooting sa Ita­ly para lalong maging close sa isa’t isa sina Alden at Maine.

In time kaya aamin din ang dalawa na sila na nga?

Wala namang magiging sagabal kung saka-sakali dahil parehong boto ang kanilang respective families sa kanilang (magiging) relasyon kung saka-sakali.

Jolo at Jodi ginagawan ng isyung hiwalay na

Hiwalay na ba sina Cavite vice-governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria? Ito ang katanungan na lumulutang ngayon dahil hindi umano nababanggit lately si Jolo sa mga panayam kay Jodi.

Si Vice-governor Jolo Revilla ay pangalawang anak ng mag-asawang Sen. Ramon “Bong” Revilla at incoming Bacoor mayor Lani Mercado.

Ang ten-year-old son ni Jodi na si Thirdy Lacson sa ex-husband niyang si Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson ang inspirasyon ni Jodi sa kanyang mga gawain. (FYI : Kakasulat lang po ni tita Ethel Ramos at nabanggit sa kanya ni Jolo na steady lang ang relasyon nila ni Jodi. Wala pong hiwalayan na nabanggit. - SVA)

Aljur masaya sa ginawa ng kapatid

Naunahan ni Vin Abrenica ang kanyang nakatatandang kapatid na si Aljur Abrenica na maging Kapa­milya.  Mula TV5 ay lumipat na si Vin sa bakuran ng ABS-CBN na pangarap noon ni Aljur.

Ayos na ang problema ni Aljur sa kanyang home studio, ang GMA kaya ayaw niyang gumawa ng panibagong gulo laluna ngayong balik siya sa paggawa ng TV series after almost two years ng pagkatengga.

Solenn lagare agad pagkagaling sa honeymoon

Nasa honeymoon pa ang singer-actress na si Solenn Heussaff kasama ang kanyang husband na si Nico Bolzico matapos silang ikasal sa Combourg, France last May 21.

Gustuhin man ni Solenn na tumagal ng isang buwan ang kanilang honeymoon ay hindi ito puwede dahil sa trabahong kailangan niyang harapin ngayong Mrs. Nico Bolzico na siya at nauunawaan naman ito ng kanyang mister.

Si Solenn ay kasama sa sexy comedy program ng GMA na A1 Ko Sa `Yo na pinamamahalaan ni Randy Santiago at sa requel ng Encantadia bukod pa sa isa niyang travel show sa GMA News TV, ang TriPinas.

Since may bagong TV series si Solenn, malabo itong magbuntis kaagad kahit matagal na silang nagsasama ng kanyang husband na ngayong si Nico.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with