^

PSN Showbiz

Tigilan muna sana ang social media Melason may pinagdaraanan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nagtatanong kung nagkahiwalay na ba sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Pumutok ang kontrobersiya tungkol sa mag-asawa dahil sa post ng aktres sa Instagram account nito ng “MelaSon is over.”

“Nawala ang account namin, na-hack. MelaSon, ‘wag kayo mag-alala. Okay na okay po kami ni Melai. I love you hon,” makahulugang pahayag ni Jason.

Pero ayon sa mapagkakatiwalaang sources, nagkakaroon daw ng problema si Melai at Jason at isa ako do’n sa malulungkot na tao kung magkakahiwalay si Melai at si Jason.

Dahil sa marami nilang pinagdaanan to be able to save this relationship. Kung nasaan man ‘yung masaya nilang pagsasama ay marami silang pinagdaanang sakripisyo. Jason, Melai, avoid social media at this point. Jason, I know that even if you deny and that’s the gentleman’s way of handling this problem. May mga nagsasabi na yes, they’re going through problems. Whatever they are, whether it is something to do with work or personal. Kahit ngayon lang sa pagkakataong ito, stop expressing your feelings sa social media dahil ang hirap bawiin. I mean, sana nga na-hack lamang and I will not also discount that possibi­lity. Pero ayon sa sources ay meron nga daw talagang problema. You can’t fake, halimbawa ‘yung kalungkutan ni Melai sa set ng Magandang Buhay and all these pronouncements about relationships being over.

Natural ang mga mag-asawa may pinagdaraanan, may mga problema, pero natural din na lahat ng mga problemang ito ay malalampasan. Ito lamang ang aking sasabihin Melai at Jason, coming from a 33-year relationship and coming from an imperfect story, your love should be bigger than your problems and for as long as there is love, fight for it.

Kaye at Paul Jake pribadong kasal ang plano

Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo.

Kamakailan ay nag-propose na ang binata ng kasal sa aktres.

Ayon kay Kaye ay talagang maayos ang relasyon nila ng aktor. “Magkasundo talaga kami. Hindi rin siya ‘yung typical na boyfriend, ‘yung pa-sweet at clingy. Ayaw ko ng ganoon eh. Parang barkada lang talaga kasi ‘yun naman ang masaya. ‘Yung boyfriend mo ay kaibigan mo at kasundo mo,” nakangiting pahayag ni Kaye.

Naalala pa raw ng aktres noong mga panahong hinahanapan pa niya ng ka-date si Paul Jake. “Hinahanapan ko pa siya ng dates tapos wala ring nag-work. Sa akin din pala siya babagsak,” natatawang kwento ni Kaye.

Hanggang ngayon ay wala pang maibigay na detalye tungkol sa kasal ang magkasintahan. Ang gusto lamang daw nila ay maging pribado ang gaganaping pag-iisang dibdib.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with