^

PSN Showbiz

Kris ginawang action star ng YouTube superstar na si Connor Franta, Duterte dawit sa pagpapatuli ni Daniel

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Bale-wala ang mga paninira ni Keanna Reeves sa Kapuso actor Prince Stefan. Nagsasayang lang ng laway si Keanna dahil hindi naman inililihim ni Prince ang tunay niyang kasarian.

SCENE: Uhaw sa libreng publicity si Keanna Reeves dahil naka-tag ang mga reporter sa mga video ng paninira niya kay Prince Stefan na tumanggi na magpagamit at bumaba sa level ng has-been bold star.

SEEN: Ipinagdiwang kahapon ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang 51st birthday.

SCENE: Hindi kilala ng YouTube superstar na si Connor Franta si Kris Aquino. Naririto sa bansa si Franta para sa YouTube Fan Festival Manila at Kris Aquino ang sagot niya nang tanungin kung sino ang pinakasikat na action star sa Pilipinas.

SEEN: Weakness ni Kris Aquino ang mga sikat kaya hindi siya magagalit kay Connor Franta at nanaisin niya na makilala ng personal ang YouTuber na may 5.447 million subscribers at 355 million viewers ang Youtube videos.

SCENE: Hindi maganda ang paghihiwalay ni Mark Neumann at ng kanyang manager na si Gio Medina. May kinalaman sa falling out ng dalawa si Angelica Yap aka Pastillas Girl na talent din ni Gio. Naging malapit sa isa’t isa sina Mark at Angelica nang patirahin ni Gio sa bahay niya si Pastillas Girl.

SEEN: Matagal na nanirahan si Mark Neumann sa tahanan ni Gio Medina. Kuha ang video scandal ni Mark sa bahay ng kanyang uncle/manager.

SCENE: Si Albert Martinez at ang kanyang mga anak ang cover ng June 2016 at Father’s Day issue ng Working Mom magazine.

SEEN: Hindi dapat magpaloko ang fans ni Daniel Padilla sa online article na may pamagat na Daniel Padilla, Walang Balak Magpatuli. Hoax o mapanlinlang ang balita dahil tungkol kay incoming President Rodrigo Duterte ang artikulo kapag sinundan ng readers ang link.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with