^

PSN Showbiz

Guwapong aktor pinapantasya pa rin kahit puro lalaki ang mga kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagsaraduhan na nga yata ng pintuan sa pakikipagkaibigan sa kanyang mga kapwa lalaki ang isang pamoso at guwapong singer-actor. Lahat na lang ng kilos niya ay binabantayan ng publiko.

Kapag may nakakita sa kanya na may kasamang mga lalaki, mabilis agad ang paghusga, meron siyang karelasyon sa grupo. Kapag nakipag-close naman siya sa kanyang kapwa singer o artista ay ganu’n din ang napapala niya.

Karelasyon niya ang lalaki, merong namumuong romansa sa kanilang dalawa, parang walang naniniwala na basta close lang sila. Agad-agad, huhusgahan na ang lalaking personalidad na may bago na namang kinalolokohan, parang wala na siyang karapatang makipagkaibigan sa kanyang kauri.

Ang ganu’ng kuwento ay paulit-ulit nang nararanasan ng guwapong male personality. Nu’ng minsang makipag-dinner siya sa ilang kaibigan sa isang five-star hotel ay parang isda na naman siya sa aquarium na sinisipat-sipat ng mga nandu’n.

Kuwento ng aming source, “Waiting ang lahat para makakita ng butas kung sino sa mga kasama niyang lalaki ang karelasyon niya. Pero maingat naman siya, simple lang siya, walang nahita ang mga usisero sa kanya.

“Pero sa point of view ng isang becking tulad ko, e, alam ko ang totoo. Malayo pa lang siya, kahit kilometro pa ang layo niya sa akin, amoy na amoy ko na siya.

“Pero hindi naman krimen ‘yun. E, kung sa ganu’n siya, ano naman ang magagawa natin? Kung maligaya siya sa buhay niya, e, ano naman ngayon kung bakit wala pa rin siyang asawa?” pagtanggol sa singer-actor ng aming source.

Kahit uhuging bata ay meron nang alam tungkol sa kuwestiyonableng kasarian ng pamosong singer-actor, pero walang pakialam ang mga kababaihan sa kanyang pagkatao, basta gusto nila at kinakikiligan ang guwapong aktor na sa kahit anong anggulo mo titigan ay guwapo naman talaga.

Ubos!

Kasamang si Richard Pinlac nangangailangan ng tulong at dasal

Isang umuulang gabi ‘yun na kailangan naming makapakinig ng suwabeng musika para kahit paano’y mabawasan ang magdadalawang linggo na naming kalungkutan sa kinahinatnan ng aming kaibigan-kasamang si Richard Pinlac.

Malaki ang blood clot sa kaliwang brain niya, sa pagdadaan ng mga araw ay namaga pa, pero tu­manggi na ang kanyang pamilya na pabuksan ang kanyang ulo.

Walang garantiya ang operasyon, suntok sa buwan ang magiging resulta, pinili na lang ng ina ni Richard na idaan sa medikasyon ang gamutan.

Umaga at gabi ay nasa ICU kami ng Capitol Medical Center, naghihintay sa pagganda ng kanyang sitwasyon, sabik na sabik na makakita ng milagro dahil napakaraming nagmamahal-nagdarasal para sa kanyang paggaling.

Mula sa isang linggong pagkakatulog ay bahagya siyang nagmulat ng mga mata. Iyak nang iyak si Mama Yolly, sana raw ay senyal na ‘yun na malalampasan ng kanyang panganay ang matinding laban na ito, pero mukhang hindi pa rin.

Nu’ng Biyernes nang hapon ay sumailalim si Richard sa dialysis, umaalon ang kanyang tiyan sa sobrang hirap sa paghinga, kahit pa may nakakabit nang respirator at oxygen sa kanya.

Nakabukas nga ang kanyang mga mata pero wala naman siyang nakikita. “Katukin n’yo na po ang mga pintuan ng bawat simbahan, lapitan n’yo na po ang lahat ng Santo,” sabi ng doktor ni Richard sa kanyang ina.

Mabait ang showbiz, maraming kamay na humahaba para makapag-abot ng tulong na pampinansiyal sa pamilya ni Richard, bawat sentimo ay mahalaga ngayon dahil hindi biro ang gastusin sa ICU.

Si Richard Pinlac ang posteng sinasandalan ng kanyang mga magulang, lahat ay ginagawa ng aming kaibigan para sa kanyang pamilya, kahit du’n man lang sana ay bigyan pa siya ng isang pagkakataong mabuhay.

Maraming salamat sa lahat-lahat ng nagdarasal para sa kanyang kaligtasan, maraming salamat sa mga tumutulong para mairaos ang kanyang mga gastusin, maraming salamat sa mga kapwa manunulat na laging nand’yan lang kapag kahanay na nila ang nalalagay sa matinding peligro.

Paulit-ulit ang posisyon ng kanyang mga doktor, “Saka na po natin pag-uusapan ang rehabilitasyon at therapy. Survival po ang pinakamahalagang tinututukan namin ngayon.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with