^

PSN Showbiz

Sen. Bong at Lani sa piitan nag-30th anniversary!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy 30th wedding anniversary sa mag-asawang Senator Bong Revilla, Jr. at incoming Bacoor City Mayor Lani Mercado.

Thirty years nang kasal sina Bong at Lani. Una silang nagpakasal sa Forest Lawn, Glendale, California  noong May 28, 1986.

Muling nagpakasal ang dalawa sa Imus Cathedral noong March 25, 1998 at noong May 28, 2011, nag-celebrate sila ng silver wedding anniversary sa pamamagitan ng renewal of vows sa St. Therese of the Child Jesus Church sa Pasay City at ginanap ang reception sa Sofitel Hotel.

At dahil kahapon ang kanilang 30th wedding anniversary, dinalaw ko si Bong sa PNP Custodial Center. Siyempre, naroroon si Lani at ang kanilang mga anak.

Role models sina Bong at Lani ng ibang mga showbiz couple dahil sa kabila ng mga intriga at maraming pagsubok sa mundo ng showbiz at pulitika na ginagalawan nila, nananati­ling matatag ang kanilang pagsasama.

Pelikula ni Jinggoy pulido

Nagkaroon ng special preview sa Gateway Mall Cinema 6 ang Tatay Kong Sexy noong Biyernes at dinaluhan ito nina Bayani Agbayani at Dominic Roque.

Hindi umabot sa special screening ng Tatay Kong Sexy ang anak ni Senator Jinggoy na si Jolo dahil manggagaling pa ito sa Boracay at alam nating lahat kung gaano katindi ang traffic situation sa NAIA at Edsa, lalo na kung araw ng Biyernes.

Hindi ko napanood ang Tatay Kong Sexy pero ikinukuwento ng mga reporter na pulido ang pelikula ni Papa Jinggoy. Nagpalakpakan nga raw ang audience pagkatapos ng screening dahil nagandahan sila sa pelikula na gustung-gusto nila.

Sa June 1 na ang showing sa mga sinehan ng Tatay Kong Sexy. Ang sabi ng mga nanood, hindi masasayang ang ibabayad ng moviegoers sa box office dahil talagang maganda at perfect for Father’s Day ang pelikula na pinagbibidahan nina Papa Jinggoy at Maja Salvador.

Starring din sa Tatay Kong Sexy sina Empress Schuck at Beauty Gonzales.

Si Empress ang gumanap na anak ni Papa Jinggoy at bestfriend niya sa pelikula si Beauty Gonzales.

Sa tunay na buhay, pareho nang mga mommy sina Empress at Beauty dahil mga dalaga pa sila nang gawin nila ang Tatay Kong Sexy.

Ginawa ni AiAi tiyak hindi nakakalimutan ni Kris

Mapapanood uli ngayon sa Sunday PinaSaya sina Rodney “Du­gong” Duterte at Simpleni dahil ito ang request ng televiewers na aliw na aliw sa impersonation ni Jose Manalo kay Papa Rodrigo Duterte.

Pero hindi lamang sina Dugong at Simpleni ang inaabangan sa Sunday PinaSaya dahil hit na hit din sa viewers ang tandem nina AiAi delas Alas at Barbie Forteza.

Malapit nang ma-perfect ni Barbie ang impersonation niya kay Kris Aquino pero mas marami ang nakakapansin na makatotohanan ang mga pang-ookray sa kanya ni AiAi.

Ang feeling ng manonood, totoo at hindi scripted ang mga dialogue ni AiAi tungkol sa mga kaartehan ni Barbie.  Feel na feel nila na may pinaghuhugutan si AiAi at hindi kaila sa lahat na former friend niya si Kris.

Knows ng mga tao sa paligid nina AiAi at Kris na ang Comedy Queen ang one and only na nagkaroon ng lakas ng loob na ipamukha kay Kris ang mga pagkukulang nito bilang tunay na kaibigan. I’m sure, hindi makakalimutan ni Kris ang mahabang text message na natanggap niya mula kay AiAi na may itinatago na tapang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with