^

PSN Showbiz

Julie Anne inaalok maging teacher!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang magandang halimbawa ang 22-year-old Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose na sa kabila ng kanyang pagiging abala sa showbiz career ay hindi siya nagpabaya sa kanyang pag-aaral. 

Katunayan, nakatakdang grumadweyt ang batang singer-actress sa katapusan ng Mayo sa Angelicum College kung saan siya matatapos ng kursong Mass Communication. At nga­yon pa lamang ay may alok na sa kanya ang kanyang school ng tea­ching job bagay na pinag-iisipan niya.

After her graduation, gusto muna ni Julie Anne na magbakasyon sa Europe as her graduation gift sa sarili.

Ian nagkasuwerte nang bumalik

Ngayon pa lamang ay nai-excite na ang mga taga­hanga ng loveteam nina Jodi Sta. Maria at Ri­chard Yap (ng Be Careful with My Heart) at tambalan nina Jodi at Ian Veneracion (ng Pangako Sa ‘Yo) dahil magkakasama ang tatlo sa isang Star Cinema movie, ang Acky-Breaky Heart na pinamamahalaan ng writer-director na si Antoinette Jadaone ng On the Wings of Love hit TV series na pinagbidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Although nagsimula nang mag-shooting ang movie, marami ngayon ang nag-aabang kung kanino mag-i-end si Jodi kina Richard at Ian.

Samantala, isa lamang si Ian sa mga dating action stars na nakabalik successfully sa kanyang career at nagkaroon pa ng mga product endorsements. He is happily married at meron siyang tatlong anak.

Happily married din ang businessman-turned actor na si Richard at may dalawang anak habang hiwalay naman si Jodi sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson kung kanino siya may isang anak, si Thirdy pero matagal na ang kanyang relasyon sa vice-governor ng Cavite, ang actor-politician na si Jolo Revilla.

After three years, Denise magiging misis na

October 2013 pa engaged ang couple na sina Denise Laurel at ang San Miguel guard ng PBA na si Solomon Mercado pero sa taong ito lang nila planong magpakasal.

Si Denise ay may isang anak sa isang American-Italian guy, ang five-year-old na si Alejandro na very close kay Sol na animo’y tunay na anak ang kanyang turing.

Ang cager na si Sol ay isang Filipino-Puerto Rican pero siya’y ipinanganak at lumaki sa Sacramento, California, USA.

Jeyrick wala nang bahid ng pagiging Carrot Man

Kahit wala pang napapatunayan ang tinaguraing Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton ng Kadac­lan, Mountain Province, siya’y kinuhang celebrity endor­ser ng kilalang retail brand na Boardwalk at kahanay na siya sa mga kilalang cele­brity endorsers ng nasabing brand.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga kababayan ni Jeyrick na nabahaginan ng kanyang suwerte.

Ang tanong ng marami, magtagal kaya si Jeyrick na kailangan pang sumailalim ng acting workshop?

Kung ang hitsura ni Jeyrick ang pag-uusapan, napakalaki na ng ipinagbago nito at wala nang trace ng dating “carrot man” look.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with