^

PSN Showbiz

Andi ibabangon ang career

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Aminado si Andi Eigenmann na muntik na niyang iwan ang show business noon. Dahil na rin ito sa iba’t ibang kontrobersiyang kinasangkutan ng aktres ilang taon na ang nakalilipas. “Mahirap eh. Minsan parang you just don’t want to deal with it anymore. I don’t want to live in a world where all I can do is explain myself. My past doesn’t define me. I know that I’m worth something more,” pagtatapat ni Andi.

Kamakailan ay nanalo ang ina niyang si Jaclyn Jose bilang Best Actress sa Cannes International Film Festival para sa pelikulang Ma’ Rosa. Kasama rin si Andi sa nasabing proyekto at nasaksihan ni Andi ang pagkapanalo ni Jaclyn sa nasabing Film Festival.

Nangangarap ngayon si Andi na tulad ng ina ay makilala rin siya bilang isang magaling na aktres. “I’m just taking this as a chance to begin again. This time, to be recognized and to be appreciated for what I can do, not just for what I’ve done, for how I look but for what I can do because I’m really so passionate about my craft,” paliwanag ni Andi.

Siguradong magiging masaya raw ang ama at ang namayapang aktor na si Mark Gil kung nasaksihan nito ang nangyayari ngayon sa career ni Andi. “I feel like my dad is just up there looking down at us, very happy. ‘Yun ‘yung isa sa mga sayang kasi wala na siya rito para ma-witness ‘yun with us. My dad has always been one of my biggest fans and to know that I made it, kahit na one week lang. Even if isang maliit na bagay lang ang nagawa ko, na mapabilang sa isang pelikula na na-recognize abroad, alam ko na sobrang proud siya sa amin,” emosyonal na pahayag ni Andi.

GLOC-9 gusto nang magretiro

Nakahanda na raw magretiro ni Gloc-9 mula sa pagra-rap na kanyang ginagawa na sa loob ng dalawang dekada. Umani na ng maraming awards mula sa iba’t ibang institusyon ang rapper kaya wala na raw siyang ibang mahihiling pa. “Ang lagi kong sinasabi noon ay pwede na akong mag-stop ngayon. God has given me a lot already. Wala na akong mairereklamo. Kapag binalikan ko ang lahat ng dinasal ko no’ng ako ay nagsisimula pa lang, hindi man Niya ito sinagot sa oras na gusto ko, pero definitely sa tamang oras, lahat ‘yon ay sinagot,” makahulugang pahayag ni Gloc-9.

Kung sakaling iiwan na ng rapper ang industriya ay gusto raw nitong gumawa ng isang kanta na magmamarka sa mga tao. “’Yun lang ang hiling ko palagi, na makatisod ng isang song, na maisulat ko na matatandaan ng maraming tao. Sana kapag dumating na ‘yung panahon na kailangan ko nang ibaba ang mikropono ay pwede ko nang ikwento naman ‘yung kwento ko talaga para marinig ng mga gusto rin na sumunod,” pagbabahagi ng rapper.

Sa June 5 ay magkakaroon ng grand launch para sa bagong album ni Gloc-9 na may titulong Sukli. Matatandaang mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang huling gumawa ng album ang rapper.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with