^

PSN Showbiz

Amalia Fuentes paralisado pa rin ang kalahati ng katawan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang paboritong apo ni Amalia Fuentes sa kanyang yumaong kaisa-isang anak na si Liezl Sumilang-Martinez at asawa nitong si Albert Martinez na si Alfonso Martinez ang kasa-kasama ngayon ng dating movie queen sa kanyang New Manila house in Quezon City along with her 24/7 nurses and therapists.

Paralisado ang kalahati ng katawan ni Nena (Amalia) sanhi ng stroke.

Although nakakakilala na umano si Nena, hindi pa rin ito nakakapagsalita hanggang ngayon.

Bukod kay Liezl, si Nena ay may isang adopted son, si Jerrick.

Birthday ni Zsa Zsa hinihintay kung sosorpresahin ng ex!

Bukas, May 28, araw ng Sabado ay ika-52nd birthday ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla. Sorpresahin kaya ito ng kanyang ex-fiancé na si Architect Conrad Onglao na nagsasabing mahal na mahal niya si Zsa Zsa at gagawin ang lahat na sila’y magkabalikan?

Nasa stage na ang Divine Diva of moving on matapos itong mag-alsa balutan at lisanin ang magarang bahay ng kilalang arkitekto na nakarelasyon niya sa loob ng dalawang taon.

Very supportive kay Zsa Zsa ang kanyang pamilya at mga anak na sina Karylle, Nicole at Zia at malalapit na kaibigan ng singer-actress sa naging desisyon nito na makipagkalas sa karelasyon bago pa man sila nakasal.

Bukod sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan, malaking bagay kay Zsa Zsa ang kanyang pagiging busy sa kanyang showbiz career. Meron siyang teleseryeng pinagkakaabalahan, ang The Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with