^

PSN Showbiz

Carrot man maraming nango-ngomisyon ‘pag naggi-guest! Bahay ni Heart ginagawan pa ng isyu!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Birthday ni Andrea Torres nang magpa-presscon ang bagong sitcom ng GMA 7 na A1 Ko Sa ‘Yo noong nakaraang Martes ng gabi. Kasama sa sitcom si Sef Cadayona na matagal nang na-link sa Kapuso sexy actress.

Napapangiti lang si Sef kapag tinatanong siya tungkol kay Andrea. Wala pa rin siyang inaamin tungkol sa kanilang relasyon, mag-best friend lang daw sila. May birthday gift siya kay Andrea, pero mas mabuting ang sexy actress na lang daw ang tanungin kung ano ito.

“Basta sobrang saya lang kami na ang gaganda ng mga birthday celebration niya.

“Happy naman kami. Basta I just love my best friend,” napapangiti niyang sagot.

Mahigit two years na raw silang mag-‘best friend’ ng dalaga.

Sa June 2 na magsisimulang mapanood ang A1 Ko Sa ‘Yo.

PAK: Hindi namin alam kung tuloy pa rin ang pag-aartista ni Jeyrick Sigmaton aka Carrot Man dahil may naririnig kaming mahirap daw itong kunin sa mga programa dahil sa mga gastos.

Kinuha raw siyang guest minsan sa isang show ng GMA 7 at naloka raw ang production staff sa mga gastos nito.

Bukod sa talent fee niya, kailangang sunduin pa pala sa Mountain Province ang binata at ihanap siya ng hotel na matitirhan. Hindi lang siya ang papakainin kundi pati ang marami niyang entourage.

Malaki rin daw ang talent fee niya dahil hindi lang ang tatay niya ang nangungumisyon kundi maging ang ilang taong nasa paligid nito ang kumikita.

Nagtataka nga raw ang ilang production people ng ilang programa ng GMA 7 kung bakit kinukuha pa rin siya sa ilang eksena kahit kailangan pa niyang mag-workshop ng bonggang-bongga.

BOOM: Nagulat ang kampo ni Heart Evangelista dahil iniintriga na rin ang ipinatatayo niyang bahay.

Nilinaw ng ilang taong malapit sa Kapuso actress na kay Heart daw talaga ang bahay na iyon. Hindi naman daw sobrang laki ang bahay na ipinatatayo sa New Manila, pero mula raw ito sa naipon ni Heart.

Baka meron din daw share si Sen. Chiz, pero hindi kalakihan dahil kay Heart lang talaga ang bahay na ipinagagwa.

Unfair naman na gawan pa ng intriga ang bahay, eh nakikita naman kung gaano kasipag ang bida ng Juan Happy Love Story.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with