^

PSN Showbiz

Kontes ng mga banda isusunod ng ABS-CBN

Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wagi bilang ikalimang Pilipinas Got Talent grand winner ang acrobatic dance act na Power Duo sa ginanap na final showdown ng world class talent show noong Linggo (May 22) sa SM Mall of Asia Arena.

Nakuha ng Power Duo, na binubuo ng magkasintahang Anjanette at Garvin ng Angono, Rizal, ang pinakamataas na combined votes mula sa publiko at judges na sina Freddie “FMG” Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda. Tinalo nila ang kasamahan sa top three na sina Amazing Pyra at Ody Sto. Domingo na nagtapos naman sa ikalawa at ikatlong pwesto.

Bilang grand winner, nag-uwi ang Power Duo ng tumataginting na P2 milyon.

Talaga namang tinutukan ng sambayanan ang pagkilala sa ikalimang PGT grand winner dahil nanguna ito sa ratings sa parehong araw noong weekend. Pumalo ang programa sa national TV ratings na 33.8% noong Sabado (May 21) kontra kalaban na may 19.3% at 36.7% naman noong Linggo (May 22) kontra kalaban na may 17.9%.

Hindi rin ito nagpahuli sa social media dahil back-to-back number one trending topics sa Twitter worldwide at nationwide ang official hashtags na #PGT5FinalShowdown at #PGT5GrandWinner.

Unang napansin ang Power Duo sa auditions matapos silang mapili ni judge Robin bilang kanyang Golden Buzzer act na diretso sa semi-finals. Sila ang pinakaunang dance act na nanalo sa Pilipinas Got Talent matapos ang apat na seasons na pawang singers ang nagwawagi.

Ito ang ikalimang beses na ginawa ng ABS-CBN ang hit franchise mula sa Fremantel Media. Simula ng ni-launch ito noong 2010, isa na ang PGT sa pinakama­tagumpay na talent-reality show sa PH television.

Kaya naman binansagang reality talent show capital ng bansa ang Kapamilya Network dahil sa hindi matatawaran nitong husay sa pag-adapt ng international formats. Bukod sa pagbabalik ng The Voice Kids at Pinoy Big Brother, nakatakda ring ipalabas sa ABS-CBN ngayong taon ang Pinoy versions ng pinakamalaking celebrity ballroom dancing competition na Dancing with the Stars at pinakamalaking search para sa susunod na Pinoy boy band na La Banda.

 

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with