^

PSN Showbiz

Gardo tinigbak sa serye nina Kim at Xian!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gardo tinigbak sa serye nina Kim at Xian!

Kung hindi pinatay ang karakter ni Gardo Versoza sa The Story of Us ng ABS-CBN, dalawa sana ang primetime show niya. Kaya lang katapat nito ang Juan Happy Love Story ng GMA 7, kaya tsinugi ang karakter niya sa Kapamilya soap.

Nauna raw niyang gawin ang The Story of Us at akala niya’y hindi magpapang-abot sa Juan Happy Love Story. Pero hindi naman nagtampo si Gardo at naintindihan ang ginawa ng production ng ABS-CBN.

Saka, may kapalit na blessing ang pagkawala niya sa soap ng ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng sexy comedy show na A1 Ko Sayo bilang asawa ni Jaclyn Jose. Marriage counselor ang role niya pero kulang sa lambing sa asawa.

At inihalintulad ni Gardo ang comedy show sa movies na ginagawa ng Seiko Films dati.

Panalo ang trailer ng A1 Ko Sayo at malaki ang kinalaman dito ng writers na sina director Cesar Cosme at Chito Francisco ng Bubble Gang. Si Randy Santiago ang director comedy show na magsisimulang mapanood sa June 2.

Kuwento pala ni Gardo, kahit silang cast ay natatawa sa taping, lalo na si Lotlot de Leon na hindi napipigilan ang pagtawa. Minsan, inaabot ng take two ang kanilang eksena at may time na tumatalikod na lang ito para hindi siya makitang natatawa.

Tatay ni Heart Evangelista naman ang role ni Gardo sa hot and sexy series at inaming nahirapan siya sa una dahil ngayon lang sila nagkatrabaho. Hindi niya alam kung saan huhugot ng emosyon, pero ngayon ay okay na sila at ramdam ng viewers ang bonding nila bilang isang pamilya.

Isabelle hindi sunud-sunuran sa netizens

Last time we checked, hindi pa binubura ni Isabelle Daza ang picture nila ng cousin niyang si Georgina Wilson at British husband nito, fiancé ni Isabelle at dalawa pang foreigners. May followers siya sa Instagram (IG) na nag-react dahil racist daw ang caption na “Caucasian family photo and me.”

OA ang ibang reaction dahil ipinade-delete kay Isabelle ang post niya at kung anu-ano na ang sinabi at inakusa sa kanya. May nag-unfollow pa kay Isabelle dahil lang sa caption na ito.

Mas marami ang nagtanggol kay Isabelle at totoo naming walang masama sa caption.

Samantala, si Isabelle na ang sunod na ikakasal kina Georgina Wilson at Solenn Heussaff at gaya ng dalawa, sa ibang bansa rin ang kasal nila ng fiancé niyang si Adrien Semblat. Sa Italy naman ang kanilang kasal sa September.

Dasal ni Betong narinig agad ng Regal

Sa presscon ng Laff, Camera, Action, nabanggit ni Betong Sumaya na gusto niyang gumawa uli ng pelikula dahil nami-miss niyang mag-shooting. Narinig yata ng Regal Films ang wish ni Betong dahil nagsu-shooting na ito ng pelikulang I Love You To Death na pinagbibidahan nina Kiray Celis at Enchong Dee. Maganda at malaki ang role ni Betong bilang ama ni Kiray at asawa ni Janice de Belen na sobra nitong ikinatuwa.

Sa talent niya sa Regal, madadagdagan ang ipon ni Betong para makabili na ng sariling sasakyan dahil inuna niyang ibili ng sasakyan ang kanyang pamilya

Samantala, sa Sabado na, May 28 ang pilot ng Laff, Camera, Action na sabi ni Sef Cadayona, mahusay na hosts sina Betong at Sheena Halili at may chemistry pa.

Fabio isinahog sa Panday ni Richard

Dagdag na karakter sa Ang Panday si Fabio Ide at ang fantaserye ng TV5 pala ang sinabi nitong bago niyang show at pinaabangan dahil ibang karakter ang gagampanan niya.

Tama ba kaming first soap ito ni Fabio sa TV5 at makakasama pa niya si Richard Gutierrez?

vuukle comment

HOUSE OF REPRESENTATIVES

PANTALEON ALVAREZ

PEACE AND ORDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with