^

PSN Showbiz

Male personality bobo ang tingin sa lahat ng tao!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nang magsabog ng simpleng kahambugan ang langit ay gising na gising ang isang male personality, hindi siya tulog, kaya nasambot niya ang malaking porsiyento ng kayabangan.

Nalilinya siya sa pagkokomedya, marami siyang talent na wala ang iba niyang mga kasamahan, kaya ang tingin ng lalaking personalidad sa kanyang sarili ay nasa ituktok siya ng tatsulok.

Maraming kuwento tungkol sa male personality na ito ang mga taong nakakasalamuha niya, mahilig siyang manira ng mga kapwa niya artista, kung anu-anong pangungutya ang sinasabi niya laban sa mga ito.

“Napakatindi niya, walang perfect para sa kanya kundi ang sarili lang niya. Ang lahat para sa kanya, e, bobo, siya lang ang matalino, siya lang ang punumpuno ng talent. Perfect siya sa paningin niya sa sarili niya.

“Ewan kung nakararating sa mga kasamahan niya ang pagiging mapanira at pintasero ng taong ‘yun. Kung alam lang nila kung paano sila maliitin ng taong ‘yun, siguradong iiwasan na siya,” simulang kuwento ng aming source.

Matalino at punumpuno ng talent ang tingin ng male personality sa kanyang sarili, pero bakit ganu’n, mailap ang suwerte sa kanya? Magkaroon man siya ng show ay tsugi agad-agad?

“Paano, wala siyang pakisama!” agarang sabi ng impormante.

“Dahil super-talino nga ang akala niya sa sarili niya, e, gusto rin niyang maging perfect ang lahat ng mga nakakatrabaho niya!

“Naninigaw kaya ng staff ang taong ‘yun! Sumbungero rin siya sa mga bossing ng network kapag hindi niya gusto ang mga nangyayari sa show niya!

“Ano tuloy ang nangyayari? Kalo-launch pa lang ng show niya, e, tsugi na agad! May kakambal na alat sa katawan ang male personality na ‘yun!

“Ang yabang-yabang niya, e, wala pa naman siyang napapatunayan? At wala siyang show, ha? Kahambugan lang ang meron siya!” madiin pang komento ng aming source.

Ubos!

Janella maagang pumasan ng responsibilidad

Pinakamaligayang nanay ngayon si Precy Vitug Ejercito dahil sa tagumpay ng panganay nila ni Senador Jinggoy Estrada nu’ng nakaraang eleksiyon. Batam-bata pa pero vice-mayor na ng San Juan si Janella.

Kung sipag ang pag-uusapan ay ang dakilang ina ni Vice-Mayor Janella ang unang-unang mag-aangat sa kanya. Lumaking responsable ang panganay nila.

“Siya ang kasama ko sa lahat-lahat,” simula ni Precy.

“Maraming beses na niyang ipinaramdam sa akin na hindi ako nag-iisa habang wala sa amin ang daddy nila. Siya ‘yun.

“Alam niya na mahirap ang sitwasyon ko. Kailangan ko silang asikasuhing magkakapatid, pero kailangan ko ring bigyan ng time ang daddy nila. Si Janella ang tumitingin sa mga kapatid niya kapag wala ako sa bahay.

“Mahigpit siya. Iniikot niya muna ang kuwarto ng mga kapatid niya bago siya matulog. Napakaaga niyang humawak ng responsibilidad,” sinserong kuwento ni Precy.

Alam nila ni Senador Jinggoy na hindi naligaw ng linya ang kanilang panganay. Kung ano ang ginagawa ni Janella sa kanilang pamilya ay siguradong merong ekstensiyon ang malasakit na ‘yun sa kanyang mga nasasakupan.

Batang dugo na may mga sariwang pangarap para sa kanyang mga kababayan sa San Juan, ganu’n ang pagsukat ng marami kay Vice-Mayor Janella, kung ano ang nakikita sa kanya bilang anak at kapatid ay ganu’n din ang ibibigay niyang pagmamahal sa kanyang mga kasiyudad.

“Huwag muna nilang husgahan ang bata, bigyan muna nila ng pagkakataon si Janella na patunayan ang sarili niya,” panghuling komento ni Precy Ejercito.

vuukle comment

CA

COA

COMMISSION ON APPOINTMENTS

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with