^

PSN Showbiz

Karla at tatay ni Coleen may relasyon na?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Karla at tatay ni Coleen may relasyon na?!

Maraming manonood ng Magandang Buhay, ang programang pumalit sa Kris TV na hino-host nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros nang sorpresang lumabas ang daddy ni Coleen Garcia na si Jose mula sa likod ng kamera at nagsimulang tuksuhin sila ni Karla at hindi magkamayaw ang mga audience sa loob ng studio.

May romansa ba sina Jose at Karla? Iba kasi ang unang nakilala ng tao na partner ng nanay ni Daniel Padilla, wala na ba sila?

Bagay naman sina Jose at Karla at mukhang magkaibigan naman sila o mas hihigit pa sa friendship ang relasyon. Ito ang mapapatunayan ng lahat kapag silang dalawa ang nag-partner sa premiere showing ng Love Me Tomorrow, ang latest film ni Coleen with Piolo Pascual and Dawn Zulueta.

Imelda galit na galit sa umano’y dayaan

Talagang nagagalit si Imelda Papin nang humarap sa media para ipaliwanag ang pagkatalo niya sa laban niya para sa Kongreso para sa ika-4th district ng CamSur.

Tagaroon ang Jukebox Queen ng Pilipinas at una nang nagwagi bilang bise gobernor dito. Nauna na kasi siyang binati ng mga kababayan niya at maging ng mga kamag-anak at kaibi­gan nang sa halos pagtatapos ng bila­ngan ay nananalo siya against her opponent.

Kahit matapos ang pagbibilang sa lahat ng presinto ay hindi na siya mata­talo dahil balwarte niya ang mga natitirang lugar na bibilangin ang boto. Ganito rin halos ang pangyayari sa naging pagkatalo ni Aga Muhlach noon, nang tumakbo ito para sa nasabing lugar pero, hindi tulad ni Imelda ay nagpasya siyang (Aga) manahimik na lamang at huwag nang dagdagan pa ang gulo.

Iba si Imelda, halos lahat ng botante ng 4th district ay nag-alsa sa maliwanag na pandaraya na tinanggap ng isang Imelda Papin na sinuportahan nila at sa halos lahat ng survey na ginawa para sa kanilang lugar ay laging nasa pangunahing posisyon siya.

Mahigit 100 years nang nasa posisyon ang pamilya na nakalaban ni Imelda. Gusto na ng mamamayan ng pagbabago pero, dumaan pa rin sa daya ang pagkatalo ng kandidatong kanilang sinuportahan.

Kaya nag-file ng kanyang protesta ang walang record ng korapsyon sa kanyang pagiging bise gobernador. Kasama niyang pumunta ng House of Representatives Electoral Tribunal ang maraming lider ng 4th district ng CamSur tulad ni Cong. LRay Villafuerte. Ang Kongresista ang ama ng pinakabatang na-elect na pulitiko  sa lugar ni Imelda na si Miguel Villafuerte na na-link noon kay Sarah Geronimo.

Bagaman at may kahirapan ang pagpa-file ng protesta sa mga dayaan sa eleksyon, may mga nagtatagumpay naman, kaya hindi nawawalan ng lakas ng loob si Imelda sa kanyang gagawing krusada.

May 740 votes lang ang nawawala para kay Imelda. At 229 presinto lamang  ang ipino-protesta na gusto ni­lang magsagawa ng manual recount .

Makakatulong ang media para mapapayag ang COME­LEC na buksan ang mga boxes na naglalaman ng mga boto.

Dingdong bibigyan ng ‘career’ ng Star Cinema

Gagawang muli ng movie si Dingdong Dantes sa Star Cinema kasama sina Angelica Panga­ni­ban at Paulo Avelino. Isa isa nang nagkaka-career sa kalabang istasyon ang mga Kapuso artists. Pagkatapos mamayagpag ni Jennylyn Mercado sa Just the 3 of Us na balak pang gawan ng part two dahil sa napakalaking tagumpay nito sa takilya, si Dingdong naman ang balak ng kanyang home network na mamayagpag sa pelikula.

Matatandaan na lumabas na sa ilang movies ng Star Cine­ma ang mister ni Marian Rivera tulad ng Segunda Mano, One More Try at She’s the One. Marami ang umaasa na bibisita lang si Dingdong sa kabilang istasyon. Hindi siya tulad ni Jennylyn na nag-iisip pa kung iiwan niya ang GMA o hindi.

Gretchen may tinatagong bait

Napakabait naman ni Gretchen Barretto na magdaos ng isang fundraiser para sa isang kapatid sa hanapbuhay na si Richard Pinlac na nasa ICU ng isang ospital ngayon dahil sa isang malubhang karamdaman.

Kunsabagay matangi sa away nila ng kanyang pamilya ay walang nakikitang masamang ugali ang aktres na bukod sa kanyang pag-aartista ay abala sa pag-aasikaso sa kanyang mag-amang Tony Boy at Dominique Cojuangco. Abala sa mga post election activities ang aktres at mister niya para kay incoming president Rodrigo Duterte.

Alyssa Valdez maglalaro pa rin kahit graduate na

Para sa kasiyahan naming mga tagahanga ng ADMU volleyball MVP na si Alyssa Valdez ang pangyayaring kasama ito sa apat na atleta na bibigyan ng award bilang UAAP Season 78 Athletes of the Year. Ang tatlo pa ay sina  Ian Lariba, DLSU tennis player, Jessie Khing Lacuna, Ateneo tanker at Queen Sababo, football standout ng Adamson U.

Kahit hindi na siya maglalaro sa ADMU dahil graduate na siya, mapapanood pa rin ang galing ni Alyssa sa volleyball dahil kabilang siya sa Shakey’s V League na malapit nang magsimula.

Maglalaro siya para sa koponang Bali Pure na kung saan ay teammate sa ADMU pa rin niya ang magaling na librerong si Denden Lazaro at si Amy Ahomiro.

vuukle comment

RIO OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with